Chapter 09

118 35 35
                                    

Naggising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.

Agad akong napabangon nang may mapagtanto ako. Naggising? Ibig sabihin ba nun ay natulog ako?

Napatingin ako sa kwintas ko. May dalawang feather pang natitira. Sumunod naman ay ang pulso ko, wala na ang mga guhit dito. Totoo nga ang sinabi ni Naver sa akin. Makakaramdam ako ng kahit ano mang sakit.

May naririnig akong kakaiba sa bandang dulo. Tumayo ako at tumungo roon. Nakita ko si Timothy na nagluluto. Napaaray ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Agad naman naagaw ko ang atensyon ni Timo.

"Proverbs!" agad naman niya akong nilapitan. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Inalalayan niya naman akong umupo sa harap ng mesa. Naghintay ako sa kung anong sasabihin niya. Kung nagtataka ba siya dahil sa nangyari... kagabi.

"Wait, I'll just finish this one." aniya saka binalikan ang kanyang niluluto.

Hindi rin naman siya nagtagal. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay umupo siya sa harap ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Nararamdaman ko na ang tibok ng puso ko.

"Proverbs..." kitang-kita ko sa mga mata niyang may gusto siyang malaman mula sa akin. At alam kong hindi dapat ako magsisinungaling dahil iyon ang bilin sa akin ni Naver. "Tell me, how did you... turn out like... this... that..."

Nakaramdam naman ako ng mainit na likido sa aking pisngi. Naalarma naman agad si Timo. "Shit. I'm sorry!" lumapit naman siya sa akin at pinunasan ang mga luha na hindi ko akalaing nararanasan ko na ngayon. "I shouldn't have ask you."

"Timothy..." tawag ko sa pangalan niya.

"Even your voice sounds so real..."

Gusto kong sabihin sa kanya kung anong nangyari. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anghel pa naman ako 'di ba? Hindi ko naman desire na maging tao. Sobrang nakakapanibago ang pakiramdam na 'to.

"Could you please tell me how did it happen?" mahinahon niyang saad.

Dahan-dahan naman akong tumango. "Kahapon, hinanap kita sa school niyo... 'yung kaibigan mong si Naver, nakikita niya nga ako."

"What?! He just told me that baliw lang ang nakakakita sa mga tulad mo. Fuck, that liar."

"Katulad niya ako, Timothy..."

"What the actual fuck?!"

"Please, Timo. Itigil mo na ang kakamura, please?"

"Ah... I'm sorry. I was just shocked. I didn't expect you to say that. So what exactly did he tell you?"

Pinakita ko sa kanya ang kwintas ko. "Sa pamamagitan ng kwintas na 'to. Naging tao ako."

"Wait. I don't understand you."

Huminga ako ng malalim. "Hindi mo ba napapansin ang kwintas ko?"

Umiling siya. "I'm sorry for that..."

"Okay lang. May kakayahan kasi itong gawin ang hinihiling ko... sa masamang paraan nga lang..."

"Masamang paraan? You mean, it explains that if you used that one, you've just committed a sin?" sabi niya. "Again, I'm sorry for what I am thinking right now, I just can't comprehend what is happening."

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Where stories live. Discover now