Chapter 08

112 35 36
                                    

The Revelations of Proverbs

Napabuntong hininga ako. Magagabi na, bakit hindi pa umuuwi si Timothy?

Kanina pa ako nakatingin sa palad ko. Nag-aabang na baka sakaling magbago ang kulay nito sa pula. Ayoko mang mangyari pero sobrang nag-aalala ako. Hindi dapat ganito. Hindi ko dapat na hinahayaan ko na lang siya at nakabahala lamang sa mga kamay ko.

Napatingin ako sa pulso kong dating may pitong linya na ngayon ay anim na lang. Ang linyang ito ay nagsisilbing babala sa amin na huwag gumamit ng kapangyarihan na meron kami ngunit hindi ko napigilan na gamitin ito noong sundan ko si Timothy sa date niya kahapon.

Sa tingin ko mababawasan na naman 'to ngayon. Kailangan kong pumunta ngayon din sa school niya. Hindi ko naman alam ang daan kaya kailangan kong gamitin ang kapangyarihan ko. Bahala na kung lima na lang matitira. Kaya pa naman siguro nun para sa mga natirang mission days.

Pumikit ako at nagdasal na sana makarating din ako ngayon din sa paaralan niya. Kaya nang imulat ko ang aking mga mata ay nandito na ako mismo kung saan laging nakatambay si Timothy kasama ang mga kaibigan niya. Ngunit walang nakatambay, ni kahit isang kaibigan niya. Nasaan kaya si Timothy?

Napatingin naman akong muli sa palad ko. Mabuti naman at walang babala. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin ako napapanatag hangga't hindi ko siya nakikita. Hindi sapat ang ganito lang ang lagi kong gagawin. Isa pa, labag ito sa aking misyon.

Sinubukan kong pumunta ng grotto kung saan lagi niya akong pinapahintay, ngunit wala. Sinubukan ko ring dumaan sa silid na madalas niyang pinapasukan, may mga estudyanteng nag-aaral pa rin ngunit wala roon si Timothy. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kasalanan ko kung bakit ganito...

"Wala si Timothy dito," napalingon ako sa kung saan man nanggaling ang boses na iyon. "Ako nga pala si Naver." aniya.

Napakunot ang noo ko. Siya na 'yung lalaking nakausap ni Timo! "Na... Nakikita mo ako?" tanong ko.

Tumango siya. "Katulad mo rin ako."

Nasurpresa ako sa nalaman. "A-Anghel ka rin?"

Nginitian niya lang ako saka nagsimulang maglakad. Sinabayan ko naman agad siya. "P-Paanong..."

"Paanong nakikita ako ng mga tao at ikaw hindi?" putol niya sa sasabihin ko. "Naku naman, kapwa ko anghel. Hindi mo ba alam na ang bawat anghel na ipinapababa dito ay may kanya-kanyang kapangyarihan para magpakita? To be visible, to be exact."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo na kung anong ibig kong sabihin." sagot niya. Umiling naman agad ako.

"Ano bang naging hiling mo?" tanong ko. Hiniling niya bang maging tao? Natulungan niya ba ang guardian object niya?

"Hindi pa ako tapos sa misyon ko." aniya na siyang ikinagulat ko.

"Ha? Papano'ng nakikita ka na ng mga tao? Paanong nagagawa mo na rin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao?"

"Hmm. Sounds like temptation..." nakangiting saad niya.

"Hindi!" depensa ko. "Gusto ko lang malaman, baka sakaling mabigyan mo ako ng ideya kung paano ko ba mahahawakan ng mabuti ang misyon ko."

"Huwag ka lang magsinungaling." kibit-balikat niyang sagot. Mas lalo akong nalito. Ilang taon na ba siya dito sa mundo? Sa lagay at pananalita ay hindi mapagkakailang matagal na siya rito.

Huwag magsinungaling? Hindi pa naman ako nagsisinungaling kay Timothy 'di ba?

"Gusto mo ba 'yung ideya na nakikita ka ng mga tao?" napaisip ako sa tanong ni Naver. "Hindi mo naman kailangan pa ng tulong kung paano, e. Simple lang naman." bumaba ang tingin niya sa bandang leeg ko kaya napatingin din ako. 'Yung kwintas ko...

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Where stories live. Discover now