Chapter 16:

1.6K 81 3
                                    

Thrizel’s POV

“Angas, nagpapahawak.” Matabang niyang sabi. Ang reaksyon ko ay kinakabahan ngunit si Dominic ay parang wala lang sa kaniya. Hindi siya natatakot, taas noo siyang nakapantay kay kuya.

Patay.

“Will you not remove your hand that held my sister?” Nginisihan ni kuya si Dominic ngunit wala ito kong naging tugon. “Oh, come on, dude, may kapatid ka naman, siya nalang ang hatak hatakin mo, hindi itong pagmamay-ari ko.”

W-What? Kailan niya ako naging pagmamay-ari? Pero...kapatid ko lang naman siya, pagmamay-ari niya na ba ako? Kung si daddy ang nagsabi niyan, maiintindihan ko pa. Pero gusto ko itong inaakto ni kuya ngayon, he cares about me.

"Uhm, so this is your sister?" Takang tanong ni Dominic kay kuya at kalmadong tumingin sa akin. "I didn’t know, sorry." What? Hindi niya alam.

"Release her." Maowtoridad namang utos ng aking kuya.

"Not that, dude, may utang na loob ito sa akin kaya tumabi ka sa daanan, padaanin mo kami." Kita kong dumilim ang mukha ni kuya sa sinabi ni Dominic. Ano ba, Dominic? Pag-isipan mo naman ang mga sasabihin mo.

"I can pay, gaano ba ka-mahal ang utang na loob sa ‘yo nitong kapatid ko para hayaang sumama sa ‘yo?" Habang sinasabi iyan ni kuya ay titig na titig siya sa akin. Ramdam ko ring may diin ang kaniyang pananalita.

"Hindi ako nagpapabayad." Kaswal na sagot ni Dominic at gano’n nalang lagpasan si kuya ng madali. Hatak-hatak pa rin ako nito kaya nakasunod ako sa kaniya. Makalalayo na kami mula kay kuya nang bigla itong nagsalita.

"Thrizel." Dahilan para huminto ako sa paglalakad at tingnan siya, nakatalikod ito mula sa akin.

"Natatakot ka ba sa kuya mo?" Binitawan ni Dominic ang kamay ko. Sumandal siya sa pader at napagmulsa, itinuon din ang paningin kay kuya. Pansin kong umiling-iling ito. "Puntahan mo na. Ikaw kasi sama ka rin nang sama sa akin, hindi mo nga alam kung saan tayo pupunta."

Nainis ako sa kaniyang sinabi. Nagsalita akong hindi inaalis ang paningin kay kuya. "I told you earlier to let me go but you didn't." Saka na ako naglakad papunta kay kuya ngunit nagsalita na naman siya.

"I told you, stay away from your brother."

Nangunot ang noo ko at muli siyang tiningnan. "Ano bang alam mo?"

Nginisihan ako nito at napatawa. "Marami akong alam, hindi lang halata." Naglakad ito papalapit sa akin na nakapamulsa pa rin. Bumulong ito. "That’s not good for you." Iniwan ako nitong nag-iisip, tanging pagsunod nalang ng tingin ang nagawa ko sa kaniya. Ano ba talaga, Dominic?

Inalis ko sa aking isip si Dominic at naglakad na papunta kay kuya. Agad ko siyang tinawag. "Bakit?"

Tumingin ito sa akin ng seryoso. "Go back to your class, you’re late." Sabay lakad, iniwan ako, potek. Sana hindi niyo nalang ako pinag-agawan kanina kung iiwan niyo lang din ako rito mag-isa, tss.

Wala na akong ibang nagawa kun’di ang bumalik sa aking klase. Nakinig nalang ako kaysa naman mga walang kwentang bagay ang iisipin ko. Tahimik ang klase, tutok na tutok lahat sa guro, pati si Amira ay gusto ang asignaturang ito. Ilang subject teacher pa ang dumaan hanggang sa mag-uwian. Gusto kong gumala dahil si kuya na naman ang makakasama ko sa bahay ngunit may family dinner itong si Amira kaya wala akong pagpipilian kun’di ang maglakad.

Ano pa nga ba ang makikita ko? Kun’di itong lalaking puro tattoo, saan ba talaga ang bahay nito? Lagi ko nalang siya nakikita rito. Ako ba talaga ang sadya niya? Kukulitin niya na naman ako sa pagiging referee ng away nila. Lalaki ang kunin nila hindi babae, tss.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now