Chapter 72:

1K 56 19
                                    

Blue’s POV

"Ang gwapo naman natin ngayon, Boss Brooks." Puna ko kay Boss nang makita ko itong pumasok sa hideout.

Mabilis akong pumunta sa kaniya, naglakad ako paikot dito habang sinusuri ang kaniyang porma. Napawow ako dahil doon. Kahit simple ang suot niya, sobrang gwapo niya.

"Baka bumaliko ka niyan."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Umangal ako at sumampa sa kaniyang likuran. Agad ko itong hinalikan sa pisngi. "Mwa, mwa, kish—"

"Blue! Ang baho ng hininga mo! Magtoothbrush ka!"

"Aray!" Napahawak ako sa aking p'wet nang ilaglag ako nito. Hinarap ko siya. "Ang sama ng ugali mo. Walang mali sa friendly kiss!" Lumayo ako sa kaniya. Umupo ako sa upuan na nakanguso ang labi.

"Friendly mo mukha mo."

Kumuha siya ng alcohol, nagspray sa panyo at pinunas sa pisngi niya kung saan ako humalik. Ganiyan kaarte si Boss Brooks kapag nakaporma. Wala namang girlfriend o nililigawan, nagpapagwapo lang talaga.

"Alis muna ako."

Tumayo ako at kinuha ang aking leather jacket. Kinuha ko rin ang selpon kong nakacharge. Kunot noo akong naglakad papunta sa pinto. Biglang nagsalita si Boss Brooks dahilan para mapahinto ako.

"Nagtatampo ka? Nagpapasuyo ka ba sa akin o nagpapalambing?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.

Napangisi ako at iling-iling na sumagot. "Ang bantot mo."

"Ulol, lumayas ka na nga, ang pangit ng pagkatao mo." Dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis kong binato sa kaniya ang bulaklak na gawa sa plastik.

"Ang pangit ng ugali mo, naiirita pagkatao ko sa ‘yo."

Humalakhak siya kaya pabagsak kong sinara ang pinto nang makalabas. Kahit college na ang lalaking ‘yon, hinding-hindi ako magpapatalo roon. Masyado siyang nang-aaway ng bata, hindi iyon makatarungan.

Pumunta na ako sa aking motor, pinaandar ko na ito. Maya-maya ay huminto ako sa McDo, bago ako pumunta sa hideout ay hindi pa ako kumain kaya nagugutom ako. Pumasok ako sa loob, medyo kaunti palang ang tao. Napatingin ako sa mga presyo. Ang mamahal, umaabot ng 100 pesos. Kung sa karinderya ako kakain, umaabot lang ng 50 pesos ang nagagastos ko.

Aalis ba ako? Hahanap ng karinderya? Pero matabang ang soup nila roon, wala man lang kalasa-lasa. Pero ang mahal dito, huwag nalang kaya? Arghhh! Nakakainis! Bakit kasi may manok doon sa presyo, gusto ko tuloy kumain.

Napatingin ako sa cashier, doon ako napangiti ng may makita akong magandang babae. Agad akong pumunta roon, sakto walang nakapila kaya nasa unahan agad ako. Ngumiti ako sa kaniya. "Hi, Miss Beautiful."

"Yes, sir, what’s your order?" Ngumiti ito sa akin ng  matamis kaya mas lalo akong kinilig.

"You."

Wahhhhhh! Kinilig ba siya? Namumula ba ang pisngi niya? Medyo nagulat siya sa aking sinabi, siguro ay nabigla siya dahil may gwapong gusto siyang orderin dito. Kung titingnan ko ang kaniyang kabuoan, 24 years old na siya.

Huh?! 24 years oldddd?! Bakit paningin ko sa kaniya kanina ay 18 years old?! Nanggagayuma ba ng costumer ang babaeng ‘to?! 24 years old?! No! Kahit wala akong kwenta sa bahay, baka magpademanda pa ang aking parentsss!

Ngumiti ako sa kaniya. "Wala pala, alis na ako. Ang mahal ng chicken joy niyo."

Kunwari pa akong nagflip hair at tumaray sa kaniya. Sana aware silang hindi afford ng mga 15 years old ang 100 pesos na chicken joy nila o ako lang ang hindi makabili? E, ano naman? Mahal pa rin, kung hahatiin ko ang 100 pesos, dalawang 50 pesos. Edi pangdalawang araw ko ang 100 pesos sa karinderya. Buti ay nakakapag-isip pa ako.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now