Chapter 33:

1K 60 2
                                    

Thrizelʼs POV

Naghahanda ako ngayon papuntang lamay ng mommy ni ate Anissa. Nauna si kuyang umalis dahil kailangan siya ni ate. Kasama ko naman si Link papunta roon kaya ayos lang sa akin. Napaupo ako sa kama at nag-iisip kung kumusta kaya si ate Anissa? Mahal na mahal niya ang kaniyang nanay. Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking pintuan dahil may kumakatok dito.

“Hey, Thrizel, tapos ka na ba? Hihintayin kita sa labas ng gate.” Rinig ko na sabi ni Link mula sa labas ng kwarto ko kaya sumagot naman ako.

“Sige, saglit na lang ako.”

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ayos naman na ang aking damit. Bumaba na ako at nagpaalam kay manang na aalis na kami. Lumabas na ako at pinuntahan si Link, sumakay na ako sa kotse nito. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya, halatang parehas kaming nakikiramdam sa bawat isa. Nakatingin lamang ako sa labas at tinitingnan ang mga nadadaanan namin. Naagaw ni Link ang atensyon ko kaya napatingin ako sa rito.

“Kumain ka na ba?” Tanong niya habang ang atensyon ay nasa kalsada.

“Oo, hindi mo ba ako nakita na kumain kanina?” Tanong ko naman rito pabalik.

Sumagot naman siya. “Nakita ko, ang takaw mo nga kumain e.”

Tinignan ko naman ito ng masama. Natawa naman siya sa aking naging reaksyon. Baliw, parang si Ryke rin 'to e. Bumalik ang katahimikan sa aming dalawa pero dahil nga madaldal si Link ay naging maingay na naman muli.

“Hindi kaya malunod ka sa lalim ng iniisip mo?” Binalingan ako nito ng sandali. Nahalata niya yatang ang lalim ng iniisip ko.

“Hindi naman, wala namang tubig sa utak ko.” Natawa naman siya sa naging sagot ko. Nacornyhan nga ako roon.

Nakarating na kami sa lugar kung saan nakaburol ang nanay ni ate. Mukhang maraming tao rito kanina, naglalabasan na kasi ang iba. Pinarke muna ni Link ang kaniyang kotse bago kami pumasok sa loob.

Pagpasok namin, medyo marami panng tao. Nakita ko rin sina Amira, Elkhurt at Ryke. Napatingin sila sa akin, nginitian ko lamang sila at pumunta kung nasaan si ate. Siya ang sumasalubong sa mga nakikiramay. Pinagmasdan ko lamang siya, nakita kong nakukuha pa rin niyang ngumiti ng matamis sa mga taong pumapasok. Nagkaharap kaming dalawa, ngumiti ito sa akin at nagpasalamat sa pagpunta namin ni Link.

“Condolence, ate.” Yumakap ng saglit.

“Yeah, Thrizel.”

Ngumiti na lamang ako at pumunta sa pwesto nila Amira at Elkhurt. Ngumiti ako sa kanila, hindi ko pa pala napapakilala si Link kay Amira at Elkhurt.

Tinawag ako ni Amira. “Thrizel.” Senyas na sa kaniya ako tumabi. Bumeso at kinindatan naman ako ni Elkhurt, dahil sa ginawa niya ay nasiko siya ni Ryke.

“Sino iyang kasama mo?” Tanong ni Amira at nakanguso pa kay Link.

“Ah, Amira at Elkhurt, si Link, my cousin.” Nakipag kamay naman ang dalawang magkapatid kay Link.

Lumipat ang tingin ko kay Ryke. Ngumiti ito at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik, tahimik lang kaming lima habang nakamasid sa paligid. Pawala nang pawala ang mga tao kaya naman napagdesisyonan na nila Amira at Elkhurt na umuwi na. Nagpaalam sila kay ate Anissa. Tiningnan ko si Ryke at tinanong kung hindi pa ba ito sasabay sa pag-uwi ng dalawa.

“Hindi ka pa uuwi? Sumabay ka na kila Amira.”

Ngumiti naman ito sa akin at sumagot. “Mamaya pa ako uuwi.”

Tumango na lamang ako at nagpaalam na tulungan si ate Anissa sa mga pag-aasikaso. Tumango nalang ito. Pinuntahan ko si ate at inaya siyang magpahinga dahil bakas sa mukha nito ang pagod.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now