Chapter 69:

1K 61 9
                                    

Thrizelʼs POV

Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip. Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala kong may utak ba ako para mag-isip? Nahampas ko na lamang ang aking noo dahil sa aking naisip. Katangahan na naman ang pinapairal mo, Thrizel.

Napabulong na lamang ako sa aking sarili. "Nababaliw na ako." Gumulong-gulong nalang ako sa kama. Tumigil din naman.

Napabuntong hininga ako. Pinikit ang aking mga mata. Katatapos ko lang kausapin si mommy kaya nagpapahinga ako. Maya-maya ay nakaramdam ako ng lamig kaya kinuha ko ang aking comforter para mainitin ang katawan. Nakatulog din ako.

"THRIZEL, gising na."

Narinig ko ang boses ni Thrale dahilan para ako ay magising. Para lang akong umidlip pero ramdam kong gumaan ang aking pakiramdam.

Seryoso akong sumagot sa kaniya. "Pababa na."

Akala ko ay wala na ito ngunit nakita ko itong naghihintay sa akin. Tiningnan ko na lamang siya at nauna na sa kaniya maglakad. Nakarating ako sa kusina, kami nalang pala ni kuya ang hinihintay. Nagsimula na kaming kumain and yes, hindi ko sila pinansin o nagsabi ng kung ano-ano.

Binasag ni ate Anissa ang katahimikan dahil sa pagtatanong niya. “Kumusta ang tulog mo, Thrizel?” She always asking me kapag tungkol sa tulog ko. Hindi ko alam kung anong dahilan, siguro ay nakasanayan niya na.

“Ayos lang naman ate, ikaw ba?” Pagbalik kong tanong sa kaniya. Base sa mukha nito ay kakagaling lang sa pagtulog.

Ayos lang din.” Nakangiting sagot nito.

Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Muli kaming natahimik, walang gustong magsalita. Pansin ko naman ang pagtingin sa akin ni Thrale pero hindi ko na iyon binigyan ng atensyon.

“Thrizel, come with me, boring naman kung lagi tayong nasa bahay." Hindi ko alam kung anong dahilan ni Link, kung bakit gusto niya kaming lumabas. Pero napaisip ako, wala namang masama kung gumala. Si Link naman ang aking kasama

“Sure kung papayag si kuya.” Kahit binaggit ko si Thrale ay hindi ko ito tinapunan ng tingin. Ayokong tingnan ang kaniyang mga mata.

“Thrale, ayos lang ba?”

Rinig kong tumikhim ito. “Malaki na siya, alam niya na ang mga gagawin niya." Natawa naman si Link sa kaniyang naging sagot. Para kasing tutol si kuya sa pagpayag nito. Nangunot ang noo ni kuya kaya bigla muli itong nagtanong. “May nakakatawa ba sa sinabi ko, Link?”

“Thrale, be specific sa sagot mo, hindi iyong ganiyan.” Umiling-iling siya. Kay ate Anissa naman ang napansin ko. Nangunot ang kaniyang noo.

Huminga nang malalim si Thrale at nagsalita muli.
“Ikaw na ang bahala sa sarili mo kung anong gagawin mo.” Muli siyang bumaling kay Link. "Magfofourth year high school na si Thrizel, Link. Hindi naman sa ayaw ko siyang sumama sa ‘yo, pinapayagan ko lang siya sa mga gusto niyang gawin. Hindi na siya bata para pagbawalan ko."

May kung anong parte sa katawan ko ang nasaktan. Hindi ko alam, parang gusto kong magdabog dahil sa kaniyang sinabi pero hindi ko pinahalata. Huminga nalang nang malalim bago nagsalita. “I’ll come with Link. I’m not busy tomorrow. He’s right, boring kapag laging nandidito." Napansin ko ang pagkagulat ni Thrale sa aking sinabi pero wala na iyon sa akin.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako, dumiretso ako sa aking kwarto. Mabilis akong nakaligo at pumipili ng damit. Habang namimili, narinig kong tumunog ang aking selpon. Napatingin ako sa mensahe galing kay Ryke.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now