Chapter 21:

1.5K 72 1
                                    


Thrizelʼs POV

"Gusto mo paamuhin kita?"

"Fck you." Dahil sa mura ko ay napahalakhak siya.

Maya-maya ay may narinig kaming yapak ng mga paa. Palapit na ito sa aking kwarto kaya bigla kong tinulak si Dominic papuntang balkonahe at sinara iyon. Bigla nalang pumasok si kuya nang nakasimangot.

“Kanina ka pa namin hinihintay sa baba, magbihis ka na. Ang kupad mo talaga kumilos, Thrizel.” Sabi nito sa‘kin. Pinalibot ang paningin sa buong kwarto. Parang may nahalata siya.

Gagi, gano’n ba kalakas ang pakiramdam ni kuya na parang may iba?

“May kailangan ka pa, kuya? Magbibihis na ako e.”

"Bakit nagulo ang kurtina mo, Thrizel? Wala kang alagang pusa para pumunta riyan."

"Uh." Nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil hindi ko inaakala na mapapansin niya pa iyon. "Pumunta ako kanina, nagpahangin ako."

Tumingin siya sa gilid ng aking kama. "Hindi man lang nagulo ang ayos ng alpombra slipper mo."

"I went to the balcony barefoot."

"Don’t me, we both know you’re not used to being barefoot." Natigilan si kuya. Nag-iba ang kaniyang reaksyon na para bang may mali siyang nagawa or what, para bang hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Umiling ito sa akin. "Never mind, bilisan mo kumilos." Saka na ito lumabas ng aking kwarto. Gan’on ba talaga siya makapuna?

Nakahinga naman ako nang maluwag. Sinarado ko ang aking pinto saka sinilip kung nandoon pa ba si Dominic, nandodoon pa nga. Nakahawak sa railings at dinadama ang malakas na hangin.

"Hindi ka ba umaalis?" Tanong ko rito.

"Narinig ko ang usapan niyo."

"Ano namang mayroon doon?"

Tumingin ito sa akin. Nangunot ang aking noo nang ngumisi siya. Nilapit niya ang kaniyang mukha at bumulong. "Ang hina naman ng pakiramdam mo. Tandaan mo, Thrizel. Si Ryke, Thrale at ako ang nakapaligid sa ‘yo." Lumayo siya. "Kapag kami ang kasama mo, ayusin mo bawat kilos mo."

Bakit ba lagi ako nitong binibigyan ng iisipin? "Why?" Tanong ko sa kaniya. "Bakit nasama si kuya? Anong konektado nito sa inyong dalawa ni Ryke?"

"Hindi kami basta basta fourth year high school lang."

"Huh? Mula bata ay kasama ko si kuya. Kilala ko siya kaya huwag kang umaktong mas kilala mo siya kaysa sa akin!"

"Yes, aaminin kong mas kilala mo nga siya kaysa sa akin." Umapak na ito sa railings. Naghahanda para bumaba. "Pero sa simpleng sinabi niya kanina sa ‘yo, kilala ko na kung anong mayroon at kung sino siya." Doon na siya bumaba. Tumalon lamang ito.

Pinabayaan ko na ang kaniyang sinasabi dahil hindi ko talaga maintindihan. Pumunta na akong banyo para maligo. Maya-maya ay natapos na. Bumaba na rin ako, nakita ko sila mommy at kuya na parehas nakaupo sa sofa. Mukhang ako na lamang ang hinihintay. Sabay itong napatingin sa akin, naramdaman ang aking presensya.

Lumapit ako sa kanilang dalawa, sabay naman silang tumayo. “Tara na po, alis na tayo.”

Pumunta na kaming kotse. Si mommy ang nagdadrive, katabi niya si kuya habang ako ay nandidito sa backseat. Wala kaming naging pag-uusapan kaya ang ginawa ko nalang ay nilagay ang earphones sa aking taynga at nagpatugtog. Hindi katagalan ay nakatulog ako.

Naramdaman ko nalang na tinatapik ako ni mom. Napadilat ako ng mga mata roon.

“Anak, gising na, nandito na tayo sa bahay ng tita mo.” Sabi nito sa akin kaya napatingin naman ako sa labas. Oo nga, nasa labas na si kuya kausap si tita kaya lumabas na rin ako sa kotse. Bumaba na si mom sa kotse, sumunod na ako.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now