Chapter 63:

1K 63 8
                                    

Thrizelʼs POV

Nakahiga pa rin ako sa kama ni Amira. Nananatiling nandito pero ang aking kaibigan ay nasa labas. Iniisip ko kung uuwi ba ako para makausap si Thrale o dito na lang. Maso kapag dito naman ako, alam kong p'wede siyang pumunta rito para mapauwi ako. Masyado siyang bossy.

Napatingin ako sa pintuan nang may magsalita. Nakita ko si Amira. "Anong iniisip mo?" Kakapasok lang nito.

Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang aking iniisip. Napabuntong hininga ako, bumango at humarap sa kaniya. Hindi katagalan ay nagsalita. "Kung paano makakatakas sa pag-uusap namin ni Thrale. Wahhhh!" Binagsak ko muli ang aking sarili sa kama at naglumpasay. Nagpagulong gulong pa ako sa kama dahil hindi ko talaga alam ang gagawin.

Nangunot ang kaniyang noo. Umupo ito sa kama. "Bakit ka naman tatakas? Mag-uusap lang naman kayo?"

"Hindi ko alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng ginawa ko kagabi." Napanguso ako nang maalala iyon. Bumabalot na naman sa akin ang kahihiyan kahit tapos na.

"Hmm?" Napaisip siya. Sumang-ayon yata sa gusto kong pag-iwas kay Thrale. "Pumunta ka nalang ng mall."

Mall? Ano namang gagawin ko roon pero magandang ang sinabi ni Amira. Kailangan ko lang ilibang ang sarili ko sa mall. Mamaya na ako uuwi, kapag kakausapin ako ni kuya. Sabihin ko nalang na pagod ako.

Gusto ko sana munang magpahinga rito dahil parang pagod ang aking sarili ngunit baka biglang may sumundo sa akin e. "Amira, alis na ako."

Tumayo na ako para kunin ang aking gamit. Kapag niyaya ko si Amira ay hindi naman siya papayagan. Kanina kasi ay tinawag siya ng mommy niya, naghahanda para bumalik sa states.

"Sige, ingat ka." Sabi nito. Hinatid ako palabas ng bahay. Himala at hindi ko nakita si Elkhurt. Nasaan kaya 'yon?

"Nasaan ang kuya mo?" Hindi ko mapigilan ang magtanong kay Amira. Pero mas ayos na rin iyon, walang mangungulit sa akin at haharot.

"May ginagawa sa kwarto niya, hindi pa nga lumalabas e."

Napatango ako sa kaniyang sinabi at nagpaalam. Nagpara ako ng taxi, nagpahatid sa malapit lang na mall. Buti na lang ay may dala akong pera.

MABILIS naman akong nakarating. Bumaba na ako sa taxi at nagsimulang maglakad papuntang entrance. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin, patuloy lamang sa pagtahak

Naagaw ng pansin ko ang dalawang batang magkapatid. Inaalalayan ng batang lalaki ang kapatid niya na babae sa paglalakad, mukhang nadapa ito. Dahil doon ay napangiti ako ng mapait. Ganito rin ba kami ni Thrale nʼon? Bakit hindi ko maalala? Masyado siyang protective, kung masasaktan ako ng ganiyan, sigurado akong pinasan niya na ako sa kaniyang likod.

"Hays." Tanging pagbuntong hininga nalang ang ginawa ko at bumaling sa iba.

Nagsimula na akong maglakad. Iikutin ko nalang ang mall na ito kahit pabalik-balik ako. Hmp. Nakakalungkot naman kung maglalaro ako e. Sinong kasama ko? Pft.

Nangalay agad ang aking mga paa sa paglalakad kaya napagpasyahan ko munang kumain. Hinihintay ko ang pagkaing inorder ko nang may mahagip ang aking mga mata na magkarelasyon.

Mukhang nag-aasaran sila, napasimangot naman ako dahil lahat pala ng nandito ay may kasama, ako lang ang wala. Kinuha ko na lang ang aking selpon at doon tumuon. Nagiging ampalaya ako sa mga nakikita ko e.

"Makakain na nga." Bulong ko nang dumating na ang aking order.

Wala akong kasama para kausapin kaya nagsimula na akong kumain para makapagtingin na rin sa ibang store.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now