Chapter 76:

1.2K 81 29
                                    

Ryke’s POV

Matapos kong ihatid si Thrizel, dumiretso ako kay Kein na tinatawag din na Brooks. Kahit hindi niya ipagsabi na iisa sila, kaya kong malaman iyon. Kung si Gio marunong maghanap ng ebidensya. Kung si Thrale magaling magdeduction. Ako naman ay mabilis makakilatis. Kaming tatlo ang malalakas ang pakiramdam sa ganito. Kung ipapasok sina Brooks at Elkhurt, puro kalokohan lang ang alam nila. Kahit gano’n, may ambag ang personality nilang ‘yon.

Kaming limang magkakaibigan, ang apat kong kaibigan ay kaya kong basahin at punahin. Gano’n din naman si Thrale pero masyado siyang tumutuon sa iisang tao kaya gumugulo ang pakiramdam niya. Sa ganitong punahan, hirap akong kalabanin sina Dominic at Link. Hindi pa kami nag-uusap pero nang makita ko ang dalawang magkasama. Grabe ang coordination nila. Lahat ay kayang ibulgar. Iyon ang hindi ko mabasa kung paano nila nagagawa iyon.

"Napadalaw ka?" Bungad sa akin ni Kein nang buksan ko ang pinto ng kaniyang hideout. Hindi na siya magtataka kung bakit alam ko ito. Dati kasi kahit anong tago niya, nalalaman ko.

"Hmm?" Nilibot ko ang aking paningin. Hindi naman mainit kaya umupo na ako sa isang sofa.

Nagsalita muli itong hindi ako nililingon. "Masyado ka na namang nangingialam."

"Sa anong paraan ako nangingialam?" Maang-maangan ko kahit alam ko ang kaniyang tinutukoy. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin. Nakakaurat din maging fortune teller or what.

"Alam mo bang pang pangatlo ko na ‘tong hideout?"

Ngayon niya lang ako nakuhang tingnan. Based on his reaction seryoso siya. Sigurado ako na maya-maya, mapapawi rin ang ganiyan niyang awra dahil abnormal nga ang isang ‘to.

"Because of you, lagi mo nalalaman kung saan ako nagtatago. Alam kong magkaibigan tayo, Ryke. Sa sobrang talino mo nakakalimutan mo ang ibig sabihin ng privacy. Nangingialam ka na naman sa buhay ko."

"Galit ka na niyan?" Napahalakhak ako dahil napasimangot ito. Pikunan. "Hindi sa nangingialam ako, kasalanan ko bang hindi ka magaling magtago? Madaling mabasa ang pagkatao mo." Umiling ako sa kaniya. "Saka nga pala, ang tagal niyo ng hindi nag-uusap ni Gio, ah? May galit pa rin ba kayo sa isa’t isa?"

"Nag-uusap kami." Nangunot ang kaniyang noo. Halatang hindi siya sigurado, hindi niya maalala kung nag-usap ba sila ni Gio. "Ang dami mong tanong. Ano namang pakialam ko sa Mr. SSG President na ‘yon?"

"See? May sama ka ng loob. Para kayong mga bata." Sinampa ko ang aking dalawang paa sa mesa at kinatitigan siya. "Kung tayong lima ay nagkagusto kay Anissa. Sigurado akong mauulit iyon pero sa ibang babae. Alam mo ba kung sino ang nasa isip ko? Fuck, kapag maiisip ko. Kayong dalawa na naman ni Gio ang kawawa. Si Thrale lagi ang pinipi—"

"Don’t tell me na magkakagusto rin si Thrale."

Bigla akong natigilan sa kaniyang sinabi. Wala akong kasiguraduhan kung magkakagusto nga si Thrale sa kapatid niya. Pero magkapatid sila, imposibleng mangyari iyon.

"Edi apat tayo, umuusad na ako. Kapag ako nakatapos, kayong tatlo ang susunod sa akin. Kahit walang ginagawa si Thrizel at tahimik lang, kaya niyang kunin ang buong atensyon mo. Nakakatakot siyang magustuhan dahil nasa iisang tao lang ang atensyon niya at alam mo kung kanino ‘yon." Sumeryoso ang aking mukha. Wala siyang maging imik, ‘gaya ko ay nag-iisip din. "Nga pala, I’m worried about Thrizel. Anong maitutulong natin sa babaeng ‘yon?"

"Una palang alam ko nang mngyayari ang mga ganito. Kaya no’ng pa-umpisa palang, nagpapakita na ako kay Thrizel at ino-offer ang pagiging referee sa away namin. Pinapahiwatig kong p’wede niya akong lapitan."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now