Chapter 26:

1.2K 60 1
                                    

Thrizel's POV

Alam kong si Mr. Valle ang nagtext n’on. Nasalisihan niya ako kanina, ni hindi ko man lang naramdaman na nakuha nito ang aking telepono. Gusto niyang makipaglaro, iyon lang ang ibig sabihin. Hindi ako marunong sa mga ganito pero kaya kong gumanti, hindi ko siya masyado kilala kaya hindi ko alam kung ano bang kahinaan nito. Napapatanong nalang ako sa aking sarili kung dapat ko ba itong pagtuonan ng pansin o hindi? Tsk.

Natapos ang aking klase. Lumabas na kaming dalawa ng room ni Amira. Maglalakad na sana kami nang magtanong si Kier.

"Uhm, saan kayo? I mean, alam niyo naman kung paano umuwi, right?" Lumapit yata siya para alamin kung sasabay ba kami sa kaniya pauwi.

"Ah, yes." Sagot ni Amira dito.

"May dadaanan pa kasi ako, ingat sa inyong dalawa." Ngumiti muna siya bago umalis.

Nagsalita si Amira. "Ikaw talaga, hindi ka talaga palakaibigan, hmp."

Sinagot ko siya habang naglalakad. Hinatak ko na ang kaniyang kamay. "Bakit naman kailangan kong maging palakaibigan? Hindi naman kailangan ay marami ako no’n."

"E, ang bait-bait ni Kier, ni hindi mo man lang masagot ang tanong kanina kaya ako na ang sumagot." Ah, iyon pala ang tinutukoy niya.

"Hayaan mo na ‘yon." Napatingin ako sa aking telepono nang tumaginting ako. Extra cellphone ko ito. Buti naman dito nagmensahe si kuya. Tiningnan ko kung sino ang nagmensahe. Si kuya Thrale. Humarap ako kay Amira. "Susunduin daw tayo ni kuya."

"Oh?" Medyo hindi pa siya makapaniwala. "Kataka-taka iyan dahil minsan ka lang naman sunduin ni kuya Thrale, ‘di ba? Pilit pa."

See? Kahit si Amira alam ang ugali ng lalaking iyon.

"Hindi raw kasi maayos ang ibang estudiyante rito." Malayo pa ang lalakarin namin bago makarating sa gate 1. "Kaya magsusundo siya."

Hindi na kami nag-usap ni Amira hanggang sa makarating sa gate. Huminto kami rito sa gilid at naghintay kay kuya.  Napatingin ako sa aking likuran, may mga estudiyanteng nagkukumpulan. Sinipat ko kung ano iyon, nagsusuntukan lang pala. Bumalik ang tingin ko sa loob ng school, wala man lang guard. Tumingin ako sa taas, walang cctv camera. Ano ba ‘to? Hahayaan lang nilang magpatayan.

Nagulat ako nang hatakin ni Amira ang aking kamay. "Tara, Thrizel, nood tayo." Saka kami nakisiksik para makita ang nasa gitna.

Jusko, nadamay pa ako rito. Ito kasing si Amira masyadong chismosa. Iwas ako sa mga ganito dahil lapitin ako ng mga gulo, siguro manahimik nalang ako para makaiwas.

Wala na akong naging palag kaya nanood nalang ako. Dalawang lalaki ito at kung titingnan ay mga fourth year high school. Gagraduate nalang, nakikipagsuntukan pa sa schoolmates. Tss, isip bata.

Saka pansin ko, itong isa ay may dugo na sa labi. Sinapak na yata siya ng isa. Nagsalita ito. "Then stay away from her, ako ang boyfriend hindi ikaw, dagdag ka ba sa mga tanga?"

Ngumisi naman itong walang kagalos galos. "Seriously? Sinugod mo ako dahil sa babae?" Napatawa ito ng mahina. "E, gago ka pala e. Saksak mo sa bunganga mo, magsama pa kayong dalawa. Hindi naman kagandahan iyang girlfriend mo, kung kani-kanino sumasama, pokp—" Hindi natuloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang sapakin ng isa. Dahil doon ay nagsigawan ang lahat.

Napatingin ako sa sinapak. Napapunas ito ng labi dahil dumugo na rin ang kaniya. Napailing-iling siya at mabilis na binawian ang isa. "Ulol, kung kilala ka ng lahat, wala akong pakialam kung kaya naman kitang kawawain dito." Saka siya dumura. Napangiwi ako, kadiri.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now