Chapter 62:

1.1K 64 7
                                    

Link's POV

Agad akong sumunod kay Thrizel at Thrale nang malaman ko kung bakit ganoon ang mga inaakto niya simula pa kanina. Bakit hindi ko man lang nahalata? Ang akala ko ay lasing lang ito.

"Link, saan ka pupunta?" Napatigil ako sa tangkang pagtakbo sa tanong ni Anissa.

Hinarap ko siya ng seryoso lang ang mukha. Sa totoo kasi, minsan lang kami mag-usap ni Anissa. Siguro ay dahil sa akin, minsan lang makisalamuha. "May gagawin lang ako. Stay here. babalikan ka ni Thrale." Saka na ako tumakbo.

Mabilis akong nakarating sa bahay. Pumasok ako at agad hinanap ng aking mga mata ang presensya ng magkapatid. Nakita kong nakaupo si Thrizel sa sofa habang nakayuko, hindi ito makaharap kay Thrale. Si Thrale naman ay nakatayo lang, nakaharap ito sa kaniyang kapatid. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.

Kinuha ko agad ang atensyon ni Thrizel. "Thrizel." Inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin. "You need a rest. Let's go, pagod ka lang." Pilit ko siyang tinititigan sa mata ngunit lumilihis siya. Sumama ka sa akin, ngayon na.

"Hindi siya matutulog, mamaya na." Dahil sa sagot niya, napatingin ako kay Thrale. Seriously? Wala siyang kaalam-alam?

"She needs to sleep. Lock the door. Tie her feet and hands. Someone put sex drugs in her drink earlier
kaya siya nagkaganiyan. Matagal bago mawala ang epekto ng drugs na iyon dahil nakatatlong baso siya. Para hindi siya makaramdam ng sakit. She needs to have sex, Thrale."

Natigilan si Thrale sa aking sinabi. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Muli niyang tiningnan si Thrizel na nanatiling nakaupo sa sofa. Salamat nga dahil hindi siya gaya kanina, na parang gusto niya talaga ilabas ang init ng kaniyang katawan.

"Thrizel..." Pagtawag ni Thrale rito. Kita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha, marahil ay nagtataka rin siya kung sino ang p'wedeng gumawa no'n sa kaniya. Hindi siya hinarap ng kaniyang kapatid.

Inutusan ko nalang kumuha ng tali si Thrale. Agad naman siyang sumunod. Ako na ang nag-akay kay Thrizel paakyat ng kwarto, hindi p'wedeng si Thrale ang maghatid sa kaniya dahil baka maulit ang nasa rest room. And yes, nakita ko ang paghalik ni Thrizel kay Thrale. Nauna ako kaysa kay Amira. Kung hahayaan ko ang dalawa, hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari.

Napatingin ako kay Thrizel. Nakakapagtaka dahil ang daming lalaking nakapaligid sa kaniya ngunit kay Thrale lang siya bumigay. Si Thrale lang ang nakagawa niyang halikan. Ano ba talaga ang gusto ng babaeng ito? Hindi ko mabasa ang kaniyang isipan.

Nang makarating si Thrale, agad naming tinali si Thrizel na inaantok. Hindi naman mahigpit ang pagtatali namin ni Thrale, gusto lang namin matanggal sa kaniya ang epekto ng drugs. Para din naman sa kaniya ang ginagawa namin.

Nasa pagtatali kami nang magtanong si Thrale. "Sinong nagsabi sa 'yo na nakainom ng sex drugs si Thrizel?" Hinarap ko siya. Nakataas ang kanang kilay niya sa akin.

Maikli akong sumagot. "Dominic." Tiningnan ko si Thrizel na nakangiti, may iniisip siguro ito. Hindi ko mawari kung ano, nababaliw na yata.

"Ang init." Saad ni Thrizel sa mahinang boses. Paos din ang pagkakasabi niya sa amin. Huhubarin niya sana ang kaniyang damit ngunit nakatali na ang kaniyang kamay.

"Matulog ka na, Thrizel." Malamig na boses ang nilaan ni Thrale sa kaniyang kapatid.

Ngumuso ito at umakto na parang umiiyak kahit hindi naman. Init na init na siguro siya sa kaniyang sarili. "Mainit nga, paano ako makakatulog? Isa pa, bakit niyo ako itinali? Alisin niyo nga itooooo!"

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now