XVII. Three Jerks Reunited

47.2K 1.4K 283
                                    

Hart hart hart! Salamat sa pagsubaybay kahit inaamag ang apdeyt. Hehe! 

17. Three Jerks Reunited

"Saglit lang Domeng!" sabi ko sa kanya dahil parang nakita si Miggy. Napalingon s'ya sa akin at tiningnan ako.

"Bakit?" tanong n'ya. Tumingin ako sa bintana at tumingin ako doon sa may waiting shed.

Wala na s'ya.

"Wala, sige, para kasing may nakita lang ako." sagot ko sa kanya. Kinalabit naman ako ni George at nagtanong.

"Ano ba 'yang nakita mo?" pagtatanong n'ya. Naku, kahit kailan talaga ay maypagkamausisa si Paeng. Bagay talaga kami nito.. maging magkaibigan.

"Hindi naman ano kung hindi sino. Sino ang nakita ko." umandar muli ang kotse at hindi na nila ko pinansin.

Baka may hinihintay si Miguel. Diba nga nasa waiting shed s'ya? Tama, alangan namang nasa waiting shed tapos wala namang hinihintay.

"Ang lakas ng ulan, Nica." banggit ni George at nandito na pala kami sa harap ng gate, may pinindot si Domeng na remote para bumukas ang malaking bakal na gate, "Parang pagmamahal ko sa'yo, malakas at non-stop." sabi n'ya habang natatawa.

Hihirit sana ako sa banat n'ya kaso nagsalita si Domeng, "Umi-stop kaya ang ulan. Tanga." nag-iba ang itsura ni George at parang gusto n'yang manaksak.

"Epal ka, kuya." sabi nito. Kinuha ni George ang payong sabay lumabas ng kotse. "Tara na nga, Nica. Bayaan mong mabasa ng ulan 'yan." sabi n'ya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. 

Akmang bababa na ako noong hawakan ni Domeng ang braso ko, "Bakit?" ang tanong ko.

"Wala. Sige sumabay ka na baka magkasakit ka pa." sabi n'ya at binatawan ang kamay ko.

Inalalayan akong makababa ni George sa kotse, umakbay s'ya sa akin at pinayungan, "Bawal ka mabasa. Baka mabaliw ka." sabi n'ya sa akin at sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Bakit naman ako mababaliw? Ikaw ata ang baliw. Hindi naman nakakabaliw kapag nabasa ng ulan. Nag-aaral ka ba?" sagot ko sa kanya. Binuksan ni Domeng ang pinto ng kotse n'ya at nilingon ko naman s'ya, "Isabay na natin si Domeng, Paeng." sabi ko at sumukob s'ya sa amin. Umakbay rin s'ya sa akin at sobrang bigat ng mga braso nila.

Ang bango nilang dalawa. Nakakagutom, parang crispy pata ang amoy nila. Bigla akong natawa, sarap naman nila.

Joke, amoy pabango ng lalaki. Lagi naman silang mabango, kailan kaya sila babaho?

"Ano ba dapat ang mangyayari kapag nabasa ka sa ulan, Nica?" tanong ni George sa akin, "Magkakasakit ka, right?" dagdag n'ya pa.

Hindi ko s'ya sinagot dahil parang wala s'yang sense kausap ngayon. Tama bang itanong 'yun?

"Huy, ano ng sagot mo? Ano ba 'yang inisiip mo? Parang tinanong ko lang kung ano ang mangyayari sa'yo kapag nabasa ng ulan e."

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon