X. Doraemon

45K 1.4K 304
                                    

10. Doraemon

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Aray ano bang nangyari sa akin? Ang naalala ko lang ay sumagot ako sa klase, pagkatapos noon ay nagsigawan ang mga kaklase sa sagot ko. Wah!!! Nasa langit na naman ba ako? Puro puti ang nakikita ko: puting kisame, puting unan, puting kumot, waah! Nasa langit na ata ako, puro puti ang nakikita ko. Pati ang mga tao ay nakaputi..

Ipinikit ko ang mga mata ko at idinilat muli, hanggang may marinig ako na nagsasalita, "She needs a rest for now. Sa ngayon ay hindi ko pa malaman kung bakit s'ya nahimatay dahil hindi ko alam ang medical background n'ya."

"Tss.." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Wah, kay pogi yung boses na 'yon. Hinding hindi ako magkakamali dahil sa ulong sa ulo ko ang timbre ng boses n'ya. Patay na rin ba s'ya kagaya ko?

Nakatalikod s'ya sa akin habang ang kausap n'ya ay napatingin sa direksyon ko, "Great, she is now awake." ngumiti sa akin ang lalaking nakaputi. Tapos biglang tumingin sa direksyon ko si pogi at tumakbo papalapit sa akin.

"How do you feel?" agad na tanong n'ya pagkalapit sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya, "Ayos lang. Ano bang nangyari?" tanong ko.

"You can't remember?" nagsalubong ang kilay nya dahil sa sinabi ko.

"T—teka nga, huwag mo kong englishin dahil hindi ko maintindihan."

"Tss.." ay nako, ayan na naman sya. "Seriously? What happened to you?"

"Malay ko ba pogi, biglang nag-itim lang ang paningin ko. Pagkatapos noon ay wala na akong maalala. Hay nako, kung ako sa'yo, ihatid mo na ako sa susunod kong subject.." sabi ko naman.

Hay sayang talaga dahil hindi ko naituloy ang pag-aaral ko ng social studies, gusto ko pa naman maging sosyal. Tsk!

"It's already five in the afternoon."

"Edi ba hanggang 3 lang ang klase ko? Waaah! Bakit hindi mo ko ginising?!"

"Stop hitting me, will you?" itinigil ko ang paghampas ko sa kanya.

"Oo na, so ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko.

"Lets go home.." inakay nya ako papalabas at nasaksihan ko kung gaano karami ang tao sa labas ng clinic.

Para nilang kakainin si Dominique. Maraming bang babae ang nag-aabang sa paglabas ko? Wah, andaming lesbian naman dito. Huhuhu! Masaya sana kung bibigyan nila ako ng chocolates eh, para naman bumilis ang paggaling ko kaso hindi e, nagsisigawan sila sa kasama kong lalake.

"I love you Dominique..Hart hart!" tila nag-hugis puso ang mga mata nito. Inilipat n'ya ang tingin n'ya sa akin, "Sino kaya ang panget n'yang kasama?!" narinig kong sabi ng babaeng na 'to sa kasama n'ya.

Aba! Panget ba ako? Huhuhu! Grabe namang mga lesbian 'to, ako pa sabihan ng panget.

These Three JerksTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang