I. The First Jerk

126K 2.3K 157
                                    

1. The First Jerk 

Kakatapos n'yang magtrabaho noong mapagdesisyunan n'ya na umuwi na sa kanyang bahay at magpahinga. Hindi kalayuan ay natanaw n'ya na ang malaking gate nito. Isa itong modernized house. Halos three-fourths nn bahay ay gawa sa tinted na salamin, marami rin na bamboo plants sa harap nito, may isang swimming pool, at napakalaking garden .

Who's that? Bakit may babae sa labas ng bahay ko?

Tanong n'ya sa sarili n'ya, nakita n'ya kasi ang isang babae na nagbubunot ng damot sa labas ng gate n'ya. May dalawang bayong pa itong dala at mukhang haggard na haggard.

Another fan? Tss! 

Sabi ng isip n'ya, alam naman natin nasikat talaga si Dominique, lumalabas ito sa telebisyon at kasama s'ya sa boy group na Elite5. Napatingin ang babae sa paparating na itim na kotse. Kumislap ang mga mata n'ya habang papalapit ito.

'Wow! Astig naman ng kotse!' banggit n'ya sa sarili n'ya. Tumayo na din s'ya sa pagkakaupo at marahang pinagpagan ang laylayan ng saya n'ya.

May pinindot na remote si Dominique at bumukas na ang malaking gate.

Automatic! Grabe! Siya na ba ang anak ni Sir? Este ni Tito?

Mahinang bulong n'ya sa sarili, habang papasok na si Dominique ay kinuha naman ng babae ang dalawa n'yang bayong at sumabay sa pagpasok ng kotse. Nakita ni Dominique na nakasunod 'yung babae sa loob ng bakod n'ya..Napaangat ang kilay nito at inis na bumaba sa kotse.

Tss! Intruder!

Nakacrossed arms si Dominique at naiinis na tumingin sa babaeng hindi magkaugaga sa pagdadala ng mga makaluma n'yang kagamitan. Hindi palasalita si Dominique kaya hinintay n'yang magsalita yung babaeng kaharap n'ya.

"Ayyy magandang araw po Sir!" masayang sabi ng babaeng kaharap n'ya. Ini-scan ni Dominique ang suot nito, isang napakahabang skirt na ga-isang pulgada lang ang taas mula sa talampakan, isang t-shirt na hanggang balakang n'ya at nakatali ang buhok nito gamit ang isang goma. "Pinapunta po ako ni Sir Fred. . 'yung daddy n'yo daw po." magalang na sabi ng babae.

What the hell that man think? And what this old-fashioned lady do here?

Sa wakas ay nagsalita na din ito, "And what brought you here?" tanong nito. Medyo natakot 'yung babae sa tono ng pagtatanong nito.

'Gwapo sana kaso ang sungit!' komento ng isip n'ya.

"Dito na daw po ako titira sabi ng daddy n'y—"

"Fvck!" hindi inaasahang nakapagmura si Dominique.

Ano na namang trip ni Dad? Damn it!

"Stay here." sabi nito, "I'm going inside. I'll call my dad first." sabi ni Dominique. Naiwang nakatulala ang babae habang pinapanood n'yang papasok si Dominique sa loob. Ni hindi man lang s'ya pinapasok nito sa loob ng bahay, halos tatlong oras na s'yang nag-hihintay sa labas ng malaking bahay, hindi rin ito nakakapag-almusal at nakakakain ng tanghalian. At ngayon ay nakabilad s'ya sa ilalim ng araw. Pinahid n'ya ang mga pawis na tumutulo sa noo n'ya, isang open space ang garden kaya walang  masisilungan, namumula na din ang kanyang mga pisngi sa tindi ng init. Ala-una na ng tanghali, at naghihintay s'ya sa paglabas ni Dominique.

Halos bente minutos na ang lumilipas at hindi pa din ito lumalabas, naramdaman n'ya na pananakit ng sintido n'ya, nanlalambot na din ang tuhod n'ya dahil sa gutom, at unti unting nanglalabo ang mata. Pinilit n'yang tinatagan ang loob n'ya, ngayon pa ba s'ya susuko? Ngunit hindi nagpatalo ang mga nararamdaman n'ya, inatake s'ya nito at sa hindi inaasahang pangyayari…

Unti-unti s'yang bumagsak sa lupa…

Tumama ang likod n'ya sa mainit na sahig. At tapat na tapat ang mukha n'ya sa nag-aalab na sinag ng araw. Lumabas na si Dominique sa bahay n'ya, at nagtaka s'ya kung nasaan ang babaeng kasunod n'ya kanina. Hanggang napadako ang tingin n'ya sa babaeng nakahandusay sa sahig.

"Damn. What are you doing there?" tinitigan n'ya pa ang babae bago ito binuhat papasok sa loob.

*****

GDRAGON as Dominique! 

These Three JerksDonde viven las historias. Descúbrelo ahora