XI. Impregnated

41.2K 1.6K 403
                                    

Transition Chapter Unleeeh

*****

11.  Impregnated

Pagkatapos naming kumain sa Japanese Restaurant ay samu't saring sermon ang natanggap ko kay pogi. Hala, ano na naman bang nagawa kong masama? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong nagawang masama ah? Minsan talaga ang hirap intindihin ni pogi pati na rin si Georgy na buong byahe ay tawa lang ng tawa. Mga sira na ata ang ulo nila. Tsk, ang creepy naman nila.

"Tsk!" narinig ko na naman ang pagsusungit ni Dominique habang nagdadrive. Ako yung katabi n'ya sa upuan habang si Georgy ay nasa likod naman. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit hiwalay pa ang bahay ni Georgy sa kuya n'ya. Hays, buti pa sila nga rich kids.

"Pogi naman e, ano bang masama kung ipinaluto ko yung kinain natin kanina? Alam mo ba na pwedeng sumakit ang t'yan mo kapag kumain ka ng hilaw?" siguro nga ay hindi nya alam ang tungkol sa bagay na iyon. Edi kung alam nya ay hindi ko na ipapaalala sa kanya na bawal ang bagay na iyon.

Bumungisngis na naman ng tawa si Georgy, mukhang shunga rin yung kapatid n'ya na 'to. Pagtawanan ba naman ako? Tss, gwapo sana kaso mukhang baliw.

"Kasi naman Nica, dapat kinain mo na lang 'yun. Japanese restaurant nga e, edi puro hilaw ang kinakain dun." napa-tsk pa s'ya.

"Nako nga Georgy, ang sabihin mo first time mo dun."

"Wow naman Nica, ako pa ang first time? Hahahahaha! Cute cute mo talaga!" pinisil ni George ang pisngi ko pero inalis naman ni Dominique 'yun.

"Tsk! Tsk! Tsk!" panggagaya ko kay Dominique. Tumawa na naman si George habang yung isa naman ay naka-poker face na naman.

***

"Salamat sa paghatid.." humalik muna si George sa pisngi ko bago lumabas ng kotse. Sinamaan naman s'ya ng tingin ni pogi habang ako naman ay namula.

Ughhh, baka mabuntis ako? Hinalikan ako ni Georgy. Waaa!

Pasado alas-onse na ng gabi noong makauwi na kami sa mansyon. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan yung halik ni George. Omyghad, baka hindi ako makapag-aral dahil mabubuntis na ko.

"What's the problem?" napatingin ako kay pogi na kasalukuyang nakakunot ang noo. Omg, nakita n'ya kaming dalawa ni George na gumagawa ng baby kanina? Omygee, waaah! Nakakahiya, dapat sa aming dalawa lang yung bagay na yun diba?

"Ah..ehh..ano lang kasi.." paano ko ba sasabihin sa kanya 'to? Dapat bang dahan dahanin ko para hindi s'ya mabigla?

"What?" iritadong tanong n'ya. Biglang akong kinabahan sa sasabihin ko, bakit nga ba ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama e.

"Bun—tis a—ta a—ko?"  nagulat ako noong hinampas ni Dominique yung manibela.

These Three JerksWhere stories live. Discover now