XIV. Ano Kami Barbie?

35.8K 1.2K 311
                                    

14. Ano Kami Barbie?

Nakabilang na naman ako ng isang linggo, ilang araw na ba ako nagsstay sa mansion ni Domeng? Malapit na rin palang mag-isang buwan.

Nakakamiss naman sila Inay at Itay. Ano na kayang ginagawa nila sa probinsya namin? Ngayon lang ako nahiwalay sa kanila ng ganitong katagal at miss na miss ko na sila.

Pumunta ako sa hardin ni Domeng at gusto ko sanang diligan ang nga halaman n'ya sa labas. Bakit ba kasi namamatay ang ibang bulaklak dito at halaman? Hindi kasi trip ni Domeng na pakainin ang mga halaman n'ya. Minsan nga ay dinidiligan ko ito ng soft drinks para naman makatikim sila. Nakakasawa kaya na puro tubig ang iininom mo.

Wala akong pasok ngayon dahil araw ng Sabado. Pinili ko rin na magpashift ng course dahil gusto ko lang. Noong una ay inaayawan pa ni Domeng ang desisyon ko kaso napag-isip isip ko na mag B.S. in Biology na lang ako, tutal iyon naman ang second course ko at pumayag naman s'ya kaagad at hindi na nagtanong. Nagkibit balikat na lang s'ya at sinabing susuportahan n'ya raw naman ako.

Madalas ding pumunta si Tito Fred, para dalawin ako at ang anak n'ya. Sabi n'ya sa akin na tawagin ko s'yang ninong dahil mas maganda kapag ganun o pwede rin raw na Dad. Ako ang pinamili n'ya kung ano ang itatawag ko sa kanya at napili ko ang tawag na, Papi.

"Kailan kaya dadalaw si Papi?" tanong ko sa mga orchids dito. Bakit kaya hindi sila namumulaklak? Buhusan ko kaya sila ng soft drinks o ng gatas? Hmp, baka naman kape ang trip nila? Matry ko nga minsan.

"Hey!" nagulat ako dahil may nagsalita kaya naitapat ko sa kanya ang hose ng tubig. "What the hell?" sabi n'ya at nilisikan ako ng mata.

Ibinaba ko ang hawak ko at agad na lumapit sa kanya, "Sorry naman Domeng. Ginulat mo kasi ako!" hindi ko alam ang uunahin ko. Ang pagtanggal ba sa damit n'ya o ang pagtitig ko sa bakat n'yang katawan?

"Anong ginagawa mo?" tanong n'ya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan s'ya na parang hindi makapaniwala sa tanong n'ya, "Huhubaran ka?" para s'yang nastroke at hinubaran ko na s'ya ng tuluyan. "Basa na ito Domeng at kailan mo ng magpalit ng damit. Halika nga at sumunod ka na sa akin." sabi ko at bigla n'ya akong niyakap sa likod ko.

"Naman e. Binasa mo ko!" angal ko noong maramdaman ko na basa na rin ako. Nakadikit s'ya sa katawan ko at mahigpit na nakayakap sa akin. "Huhubaran mo rin ba ako?" tanong ko at kumalas s'ya ng yakap sa akin at namula ang mukha n'ya.

"Anong nangyari sa'yo? Diba basa ako? So hubaran mo na ko please.." para tuloy akong bata na nagpapabili ng candy sa kanya.

"Tch!" bigla s'yang lumakad papalayo habang hawak hawak ang harapan ng basa n'yang shorts.

"Ang labo mo! Babasain mo ko tapos gaganyanin mo ko. Asus, ang hina mo naman. Ang akala pa naman ay malilibre na ko sa paglalaba ng damit ko." bulong ko. Hay nako, ako pa tuloy ang maglalaba ng mga basa naming damit. Tch, ano bang nangyari doon?

Pumasok na ako sa loob ng mansion at pumunta sa laundry area. "Maglalaba na nga lang ako." sermon ko sa sarili ko habang tinanggal ang mga damit ko. Bigla akong napahawak sa bibig ko noong narealize ko na wala na akong saplot.

Natural, lalaban mo kaya ang suot mo. Bulong ng konsensya ko. Kinuha ko ang telepono sa bulsa ng shorts ko at tinawagan si Domeng. Binigyan n'ya kasi ako ng iPhone para daw macontact n'ya ako kaagad.

"Hello?" bungad ko at hindi s'ya nagsalita. "Pwede bang ikuha mo ko ng damit sa kwarto ko? Pakisamahan ng ng bra at panty. Thank you!" ibinaba ko ang tawag at hinintay ko na lang s'ya na kumatok sa pinto ng laundry room.

Wala pang limang minuto ay may kumatok, kaagad ko namang sinuot ang white long sleeves ni Domeng na umabot hanggang hita ko. Isinilip ko ang ulo ko para hindi n'ya makita ang itsura ko, "Salamat!" bati ko sa kanya at kinuha ko ang mga pinapakuha ko. "Sa uulitin!" tumawa ako at isinara muli ang pinto.

Bakit kaya s'ya nahihiya at namumula? Baka bakla s'ya? Hilig n'ya bang mag-panty? Pero hindi naman e, ako kaya minsan naglalaba ng mga underwear n'ya at mga boxer briefs ang mga 'yon.

Matapos kong labhan ang mga damit namin ay nagtungo na ako sa labas para magsampay. Buti na lang talaga ay masikat ang araw. Paniguradong madaling matutuyo ang mga isasampay ko.

"Domeng!" sigaw ko noong makita ko na nawala ang sampayan ko dito sa veranda sa may second floor. Kaagad s'yang lumabas sa kwarto n'ya. Puno ng pagtataka ang itsura n'ya, "Nasaan ang sampayan ko dito?" tanong ko.

"I removed it." sabi n'ya at akmang papasok na ulit sa loob ng kwarto n'ya.

"Naku, bakit mo naman tinaggal 'yung sampayan? Paano na 'to matutuyo? Ikaw ha, napakadaya mo. Damit mo kaya ang pinakamarami dito." sermon ko.

"We have dryer, Eumi. Itinuro ko naman sa'yo kung paano gamitin 'yun, right?" balewala n'yang sagot.

"Kailangan nating magtipid. Naku, isusumbong talaga kita sa Papi mo. Sasabihin ko na ang lakas mong gumamit ng kuryente." pananakot ko.

"Aish! Dammit!" sinabunutan n'ya ang sarili n'ya. "I just get the tools, hintayin mo ko d'yan." naiirita n'yang sabi at pumasok na sa loob.

"May dammit dammit pang nalalaman. Puro damit n'ya naman 'to!" singhal ko at inis na pinagbuhatan ng galit ang mga damit, "Dammit rin s'ya!" sigaw ko at bigla s'yang lumabas ng kwarto.

"Are you cussing on me?" tanong n'ya at nagsalubong ang kilay ko. Hawak hawak n'ya ang isang bilog ng alambre at isang plais.

"Hindi ah! Sabi mo kasi dammit! So, dammit ka rin." pabalang na sabi ko.

"It's not good when cussing, Eumi, ako lang ang pwedeng magmura dahil hindi bagay sa'yo ang bagay na 'yon. Mahalin mo na lang ako." nauna s'yang pumunta sa veranda at sinimulang ayusin ang sampayan ko. Ano daw?

Sinundan ko naman kaagad s'ya, "Sino 'yung babaeng kasama mo? Nakita ko kayo e." sabi ko at napalingon s'ya sa akin.

"What?" tanong n'ya at tumango ako, "Saan at kailan?" tanong n'ya.

"Sa mall. Kahit magtago ka at magbalat kayo ka ay makikilala pa rin kita. Sa tagal ba nating magkasama ay kilala na talaga kita. Ikaw talaga 'yun e, nanood pa nga kayo ng sine." walang ganang sabi ko sa kanya.

"I'm not." bumaba s'ya sa tinutungtungan n'yang silya at hinaharap ako, "Hindi ako 'yun, okay?" sabi n'ya at kumunot ang noo ko.

"Nakita ko pa nga kayong naghahalikan." ewan ko, parang gusto kong isumbat sa kanya 'yon, "Huwag kang magsinungaling Bryce Dominique Ignacio. Kilalang kilala kita." seryoso kong sabi.

"S-she's a friend." sabi n'ya.

"So ikaw nga 'yon?" natawa na lang ako. "Sabi ko na nga ba e, ayoko sa lahat ng sinungaling. May magkaibigan palang naghahalikan?" inosenteng sabi ko.

"Don't mind that. She's a toy." bigla akong naturn off dahil sa sinabi n'ya.

"Bawiin mo ang sinabi mo Dominique." mariin kong sabi at umiling s'ya, "Hindi kami ginawa ni Lord para paglaruan n'yo. Hindi kami chewing gum na kapag ubos na ang lasa ay itatapon n'yo na." inalis ko ang kamay n'ya na nakahawak sa braso ko.

"Let me explain." hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano. Basta ang alam ko ay naiinis ako sa sinabi n'ya.

"You don't need to. Why would you?" parang nawalan ako ng gana na makipag-usap sa kanya. Ganyan lang pala ang tingin n'ya sa aming mga babae? Bakit hindi na lang s'ya bumili ng barbie at iyon ang halikan n'ya? Hindi 'yung tipong, gagamit ka pa ng tao para paglaruan mo.

"Don't worry. I am with Miggy the whole time na naghahalikan kayo, at isa pa, naaalala ko na ang ilan sa mga alaala ko." I smiled bitterly as I felt a pang on my chest.

------
Instagram: @giedragon
Twitter: @giedragon

New Story: Seducing The Bad Boy

#TheseThreeJerks

These Three JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon