V. Ehersisyo

68.4K 1.8K 385
                                    

5. Ehersisyo

Kinabukasan nagising ako dito sa napakalaki at napakalambot na kama. Bumangon na ako. Pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa sky blue na pintura ng kwarto ko dito sa palasyo ni pogi, 5:30 AM.

Pumunta muna ako sa banyo dito sa loob ng kwarto ko. Buti na lang talaga ay may banyo diyo. Doon kasi sa probinsya, pahirapan ang pagbabanyo. Pagkatapos kong maghilamos. Lumabas na ako ng kwarto ko.

"Ayy!" nabunggo ako kay pogi. "Bakit gising ka na?" tanong ko kaagad sa kanya. Magkaharap kami ngayon. Sa sobrang tangkad n'ya ay tinitingala ko s'ya.

"....." hangin na naman ang narinig ko mula sa kanya. Hindi n'ya ako pinansin at nagpatuloy lang s'yang naglakad. May isinaksak s'ya sa tainga n'ya. Parang kawad ata ng kuryente 'yun? Color black. Ay ewan! Baliw na ata si pogi kaya kung anu ano ang inilalagay sa tenga. Tsk!

Sinundan ko lang s'ya hanggang makarating kami ng labas ng bahay. Nag-stretching pa s'ya at naghikab pa.

"Antok much ka?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na tumaas ng bahagya ang magaganda n'yang kilay. Kagaya noong nauna, hindi na naman s'ya sumagot.

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya, medyo madilim pa at pasikat pa lang ang araw. Nag-umpisa na s'yang tumakbo. Ako naman ay tumakbo na din at sinundan ko s'ya.

May sampung minuto na kaming tumatakbo. Pero ni isang segundo ay hindi n'ya man lang ako tingnan o pinansin.

"Badtrip ka ba?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo kaming dalawa. Wala na naman akong sagot na natanggap sa kanya. Malamang may kinalaman yung nakapasak sa tenga n'ya. Bakit kasi naglalagay ng kawad ng kuryente dun?! Tsk!

Inis akong tumakbo ng mabilis at hinarangan ko ang dadaanan n'ya, "W-wait lang! Saan ka ba talaga pupunta?!" hawak hawak ko ang dibdib ko sa sobrang hingal. S'ya naman ay nakacrossed arms lang at para bang walang ganang makipag-usap sa akin.

Inalis n'ya yung nakapasak sa tainga n'ya. Ako naman ay nagsalita uli, "Hoy pogi naman! Saan ka ba talaga pupunta?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi s'ya tumatakbo, napansin ko din na paikot ikot lang kami sa vill-- baranggay na nga lang!

"Exercise. Tss!" hinawi n'ya ako sa daan at nag-umpisa na namang tumakbo. Ako naman ay takang taka sa kanya. Ano na naman bang pinagsasabi ni pogi?

Mukhang hihinto na s'ya noong sasapit na kami sa palasyo n'ya. Ako naman ay natuwa dahil makakapagpahinga na ako. Nasikat na din ang araw kaya naman may mga taong nakauniporme ang naglilinis sa mga bakuran nila.

"Ayyy ang yummy talaga!" narinig kong sabi ng isang babae. Malapit lang s'ya sa pwesto ng palasyo ni pogi. Kumikislap pa ang mata nito noong nakita n'yang nagpupunas ng pawis si pogi gamit ang likod ng palad nito.

Ako naman ay may pagkamadaldal at nilapitan ko ang dalawang babae na pinag-uusapan si pogi.

"Grabe noh?! Ang hot talaga! Paautograph kaya tayo mars?" tanong ng babaeng naka-pink na uniporme. Hawak hawak nito ang isang walis tingting. Ang isang babae naman ay nakafocus lang ang tingin kay pogi na kasalukuyang kitang kita ang garter ng boxer n'ya dahil nagtaas ito ng kamay.

These Three JerksWhere stories live. Discover now