VIII. Ang Social Studies

52.8K 1.4K 282
                                    

8. Ang Social Studies

Pagkapasok namin sa loob ng palasyo ni pogi ay binatawan n'ya na rin ako. Sa wakas, kanina n'ya pa kasi ako kinakaladkad. Hay ewan ko ba kung bakit s'ya biglang nagalit.

Umupo ako sa malambot na upuan. Grabe talaga, bakit ba ang sosyal ng mga kagamitan dito? Sa baranggay kasi naman puro matitigas ang upuan kaya naman nagkakakalyo ang pwet nila. Hindi ako kasama, maganda ang pwet ko.

"Kanina pa ako nahihilo." angal ko sa lalaki na 'to na kanina pa pabalik balik habang hawak hawak n'ya ang kanyang sentido. "Masakit ba ulo mo?" inosente kong tanong. Pero kagaya ng dati ay hindi n'ya ako sinagot bagkus ay pumunta sa harap ng silver na kaho—ay ref pala at kumuha ng maiinom.

"Nakapag-grocery na ako pogi! Sinamahan pa nga ako ni Georgy e!" grabe, may mababait pa pala sa mundo ngayon. Alam mo yung feeling na lalapain na talaga ako ng insekyurada n'yang aso e. Hay nako, ang sarap sabunutan ng aso n'yang si coffee.

"Kaya ka pala natagalan kasi kasama mo s'ya." ay ano na naman bang sinasabi ng isang 'to? Minsan talaga ay hindi ko malaman kung may pagkasaltik lang sa ulo si pogi o ano e. Taliwas sa sinasabi ko ang sinasabi n'ya. Hindi n'ya ba alam ang common scent? Tsk, dapat pala turuan ko s'ya para magkaroon s'ya nun. Makakatulong sa kan'ya 'yun.

Mabalik tayo hinipo ko ang kanyang dalawang balikat para naman makaupo s'ya, "Natagalan ako kasi muntik na akong malapa ng aso. Grabe ka! Anong akala mo sa akin walang common scent?" napahalakhak na lang ako noong kumunot ang noo n'ya. Hahaha! Kawawa naman si Dominique, walang commont scent.

"I do have common sense. It's common sense, Eumi. Anong scent 'yan? Amoy lavender ba?" bigla akong tinayuan ng balahibo sa batok noong tumawa s'ya. "What's wrong?" natatawa n'ya pa ring tanong.

"Wa—wala, ang creepy mo oh, natawa ka." paliwanag ko.

"Naks, english ah? Creepy? Anong ibig sabihin non?" nag-wiggle pa ang eyebrows n'ya at halatang tinetesting ako kung alam ko ba talaga 'yun. Hala, sasabihin ko ba 'yun ng hindi ko alam? Duh!

"Creepy. Pagmalutong ang tawa, creepy 'yun."

"Tanga! Crispy 'yun e!" makatanga naman! Ang sakit, parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina.

"Ay nagbago na?" doon na kaming tumawang dalawa. Matapos ang gabing 'yon ay may ibinigay sa akin si Dominique na pares ng hikaw. Ito 'yung nalaglag kanina, para daw sa akin talaga iyon.

"Thank you. Excited na talaga ako pumasok. Maganda ba sa school na 'yun?" tanong ko sa kan'ya habang s'ya naman ay kinakabit sa akin ang hikaw na binili n'ya raw. Tinanong ko pa nga s'ya kung bakit n'ya ako binili ng ganoong hikaw, ang sagot n'ya ay "it's cute".

Nasa tapat kami ng kwarto naming dalawa. Remember, magkatapat lang ang kwarto namin at nandito kami ngayon sa hallway.

"Yeah, it's cool." bumalik na naman sa pagiging seryoso ang hilatsa ng pagmumukha ni pogi. Kaya nga kanina ay kinikilabutan talaga ako kapag naririnig ko s'yang tumatawa. Ang ibig ko lang sabihin ay nakakatuwa na makita s'yang tumawa. Nakakahawa na ewan. Hay basta, mahirap ipaliwanag.

These Three JerksWhere stories live. Discover now