"Come to my office, the both of you. I neeed to ask something." Pagkatapos non ay lumabas na siya.

Inayos muna ni Froze ang buhok ko bago kami magkahawak-kamay na lumabas ng kwarto.

I saw Alicia infront Gunner's office. Ngumiti ito sa amin bago buksan ang pintuan.

Nang maisarado ni Froze ang pinto ay dumiretsyo kami sa upuan kaharap ni lolo.

"Why?" tanong ko.

"I heard about what happened a while ago, Arrow. Alicia told me that she witnessed it accidentally," panimula niya.

Mapait lang akong ngumiti.

"I'm fine, lolo. I'll be okay soon," pilit ang ngiting saad ko.

Naramdaman ko ang mariin na paghawak ni Froze sa kamay ko kaya nginitian ko siya.

"Are you sure?" Tumango ako nang marahan.

"Just stay away from them, Arrow. Stay away from Mesaion and Canapia, even if the bullet inside your head was removed a year ago, hindi pa rin maganda sa 'yo ang nasasaktan," Gunner said coldly.

Kaagad naman akong tumango. "Don't worry, Gunner. Please, huwag na kayong mag-alala. I can handle myself."

"I just want to make sure that you'll feel good inside the palace," nakangiting sabi ni lolo kaya sinuklian ko rin siya nang matamis na ngiti.

"But since you're here, the both of you. I think it's time for you to tell me the truth, bakit nga pala ako naaksidente?" takang tanong ko.

Nakita ko ang pag-angat ng tingin ni Froze sa akin. Halos kasunod non ay ang paglingon niya kay Gunner na para bang may sinasabi.

"H-Hey," usal ko.

"Arrow, I'm sorry but I can't tell you the reason." Gulat na napalingon ako kay Gunner.

What does he mean by that? Bakit hindi nila kayang sabihin sa akin?

Ngumiti at tumawa ako nang alanganin. "You don't have to worry that much, Gunner. Okay lang namang malaman ko. So tell me, who the hell shot me? I swear I'll punish that ass hole."

Hindi sila sumagot dalawa. Pero nagpapalitan sila ng tingin na hindi ko maintindihan.

"Why aren't you saying something? Come on, tell me," alanganing saad ko.

"It can kill you, Arrow. It might kill you if I say the truth." Natulala ako sa sinabi ni Gunner.

What?

"Gunner, shut up," mariing saad ni Froze kaya napalingon ako sa kaniya.

Naguguluhang nagpalit-palit ang tingin ko sa dalawang lalaki sa harapan ko.

"What the hell is this? Why aren't you saying something?!" bulyaw ko.

Froze held my hand pero iwinaksi ko ang kamay niya.

They're hiding something from me!

"Gunner, tell me. What is it? Bakit ako naaksidente?!" sigaw ko.

Umiling nang ilang beses ang lolo ko.

"I can't tell who tried to kill you dahil masasaktan ka sa malalaman mo, Arrow." I shook my head.

"I said tell me!"

"Arrow--"

"Gunner shut up! Don't tell her!" singit ni Froze na mas lalong nagpagalit sa akin.

"Bakit ninyo ba tinatago ang bagay na 'yon sa akin?! Just tell me the truth!"

"It's you!" sigaw ng lolo ko dahilan para mapatigil ako.

"Gunner," nagbabantang saad ni Froze pero hindi ko siya pinansin.

"What?" utal na tanong ko kay Gunner.

He answered with the most painful answer I ever heard. "It's you... Behind that accident. You tried to kill yourself."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now