CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Moonbin

"So saan tayo magsisimula?" tanong ni Eunwoo nang makapasok na kami sa unibersidad

"Hm... Punta muna tayo sa mga locker. Anong number ba yung locker mo?" Sagot at tanong ko sa kanya

"48 A nakalagay sa papel na binigay sa akin." Sagot nito

"Ah sige sige. Hanapin muna natin yung hanay mo meron kasing iba ibang hanay which is yung letter at dahil A ka dito tayo." Hinatak ko siya patungo sa mga locker at nagtungo sa unang hanay, ang hanay A.

"So dito yung lockers makikita mo naman agad diba?" tanong ko dahil ang pwesto ng locker namin ay matatanaw mo agad sa may bandang kaliwa pag pasok. Hinanap namin ang number 48 at nang ito'y matagpuan, binuksan ito ni Eunwoo gamit ang ibinigay sa kaniyang susi noong nagenroll siya.

"Jan ka lang ah punta lang ako sa locker ko. 36 D para pagtapos ka na sa ginagawa mo puntahan mo nalang ako." Saad ko at ngumiti

"Sige sige." Pagsang-ayon nito sa akin.

Nagtungo na ako sa locker ko. Actually wala talaga akong gagawin sa locker ko gusto ko lang makahinga dahil pakiramdam ko hihimatayin ako sa kanya.

"Uy Bin!" Sigaw ng kaibigan ko nang makita niya ako patungo sa locker

"Seungkwan!" sigaw ko nang nakita siya. Lumapit siya patungo sa akin.

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong nito

"Ah medjo busy ako eh." saad ko

"Ah sige sige. Next time nalang." siya

"Ano ba iyon?" tanong ko

"Aayain sana kitang magdinner." saad nito

"Bukas?" tanong ko

"Sige sige. Meet mo nalang ako sa tapat ng faculty of med after ng class mo." Saad nito at ngumiti

"Una na ako ah" dagdag nito at nagpaalam

"Sino yon?" nagulat ako sa nagtanong. Andito na pala si Eunwoo

"Ah si Seungkwan, Kaibigan ko since highschool." Sagot ko

"San tayo sunod?" tanong nito na tila binalewala ang sinagot ko

"Sa faculty of Archi na tayo. Sa tapat lang  naman nun yung library." sagot ko sa kaniya at lumabas na rin sa hanay ko sa mga locker.

Mabilis na lumipas ang oras. Nandito kami ngayon sa parke sa tapat ng cafeteria.

"Ice cream?" nagulat ako sa biglaang pag-alok ni Eunwoo

"Salamat." saad ko at kinuha ang icecream mula sa mga kamay niya. Umupo naman siya sa katabi kong swing. Ang sarap niyang tingnan. Mahahalata mo sa mga mata niyang masayang masaya siyang magpaduyan duyan.

"Sayang saya ka ah?" pagbibiro ko

"Masiyado bang OA?" Saad nito na tila bang nabali ang kasiyahan

"Ah eh hindi naman. Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong sobra ang saya pag-upo palang sa swing." Saad ko at bahagyang kinamot ang ulo

"Pagbigyan mo na ko haha! Ngayon ko lang ksi naeenjoy ang mga ganitong bagay. Bata palang ako nang magtrain ako as an idol kaya limited lang yung pwede kong gawin like playing with friends, going in the park you know? Pakiramdam ko tuloy nawasak yung childhood ko. I regret it sometimes sa totoo lang." Saad nito at bahagyang ngumiti. Makikita mo sa mga mata niya ang tunay na nadarama niya. Lungkot at sawi.

"Ah ganoon ba?" Tanong ko at ngumiti lang siya. Pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Bigla akong may naisip na ideya!

"Punta tayo sa parking total wala naman na tayong gaano pang mapupuntahan dito! Gymnasium nalang madali lang yun kahit bukas na! Tara!" Saad ko sa kanya at hinatak

Hinanap namin ang kotse niya at nang makita ang magarang kotse na kulay asul ay saka ako nagsalita.

"Ako na magdadrive. Chill kalang jan. Magsuot ka ng mask at cap ah!" Saad ko kahit na makikita ang pagtataka sa mga mata niya. Nakapasok na kaming dalawa sa kotse at sinimulan ko na ang pagmamaneho

"Hoy! Kikidnapin mo ba ko?!" Tanong ni Eunwoo

"Anong kikidnapin ka jan? Chill ka lang haha! Matulog ka muna mahaba haba pa tong biyahe." Saad ko at ngumiti. Di na siya sumagot pa, siguro natulog nalang siya.

Balak ko siyang dalin sa isang kilalang amusement park. Maaga pa namana kaya nakasisiguro akong maeenjoy niya ang araw na ito. Dahil sa di pag-usad ng mga sasakyan dala ng traffic nagkaroon ako ng tsansa na magbook ng ticket sa amusement park. Sana meron pa. Agad kong kinuha ang telepono at nagbook na ng ticket. Buti nalang at may natira pang ticket. Agad ko na itong binook at binayaran gamit ang card ko.

Mabilis na lumipas ang oras, ilang kilometro nalang ay makakarating na kami sa pinatutunguhan namin nang nakita kong nag-inat si Eunwoo.

"Asan na ba tayo?" Tanong nito. Halata sa tono ng boses na bagong gising lang talaga siya

"Basta! Malapit na tayo isuot mo nayang mask at cap mo!" Saad ko at kinuha niya naman ang mask at cap niya sa tapat niya at sinuot ito.Inihinto ko na ang sasakyan sa tapat ng amusement park.

"Andito na tayo!" Saad ko at ngumiti. Bumaba na ako sa sasakyan at nakita ko ring bumaba na siya. Hinatak ko siya sa entrance at pinakita ko sa guard ang ticket namin sa phone ko at nang nakapasok kami ay nakita ko ang malalim na paghinga ng kasama ko at mahahalata mo ang pagkamangha nito

"Totoo ba tong nakikita ko?" Tanong nito.

"Oo noh! Mageenjoy lang tayo ngayon! G?!" Saad ko

"G!" Sagot nito at ngumiti

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon