CHAPTER 3

9 0 0
                                    

Start writing your story

Moonbin

Andito kami ngayon sa isang food stall. Nagbalak muna kaming kumain bago sumakay sa mga rides dahil sa nararamdaman na naming sakit sa tiyan dala ng katagalan sa bitahe

"Anong gusto mo?" Alok ko sa kaniya

"Ah eh diko alam eh haha! Siguro Burger na lang?" sagot nito

"Sige Sige umupo ka na ako na magoorder" sagot ko sa kanya

"Ako na nakakahiy-" magpupumilit pa sana siya nang nagsalita ako

"Treat ko to ngayon okay?" saad ko at pumila na sa counter

"Isang burger,isang cheeseburger, dalawang large fries at dalawang coke" saad ko at ngumiti sa cashier. Naghintay lang ako saglit at iniabot na din sa akin ng babae ang isang tray na may lamang mga pagkain.Agad kong pinuntahan ang table namin ni Eunwoo at nakita siya doong pinagmamasdan ang mga rides.

"Kain ka muna" alok ko sa kanya nang makaupo ako sa tapat niya

"Ah sige, salamat." sagot nito at ngumiti. Dinampot niya agad ang burger at kinagat ito.

"Hinay-hinay lang aba" suway ko sa kaniya dahil dinalas dalas ba naman niya ang pagkain ng burger.

"Sorry na. Masiyado lang kasi talaga akong naeexcite sumakay sa mga rides." saad nito na tila ba isang batang sabik na sabik makabili ng laruan.

"May basang ka pa tuloy." saad ko dito at tinuro kung saan ko ito nakita. Agad naman niya itong pinunasa. Grabe! Bakit sobrang gwapo niya kahit nagpupunas lang ng basang?!

Mabilis na lumipas ang oras at naubos na namin ang mga pagkain sa harap.

"San tayo ngayon?" tanong ko sa kanya

"Ummm doon kaya?" Dahan-dahan nitong tinuro ang isang ride na tila ba hugis bangka at papabalikbalikin ka paharap at palikod.

"Pila na tayo." Hinatak ko kaagad ang mga kamay niya patungo sa pila. Buti na lamang at kakaunti lang ang tao ngayon dito sa amusement park kaya wala gaanong nakakapnsin sa kasama ko.

Mabilis lamang ang paghihintay namin dahil kami na agad ang susunod. Hinatak agad ako ni Eunwoo patungo sa kaduluhan kaya ito ako ngayon, kinakabahan dahil takot ako sa heights pero kakayanin para maengganyo itong kasama ko.

Walang pasa-pasabi nang biglang nagsimula ang ride. Mahina pa lamang ito kaya nakakapagmuni-muni pa ko. Pasimple akong tumingin sa katabi ko, halata ang galak niya sa bawat pagsigaw niya dito. Habang pinagmamasdan ito ay bigla nalamang akong napasigaw nang tumaas nang pagkataastaas at bumilis ang sinasakyan namin.

"Itigil niyo na ito!!!!" Biglang sigaw ko dahil sa kaba. Nagulat ako sa paghawak ng katabi ko sa kamay ko.

"Wag kang matakot hahahaha!" pasigaw nitong saad at ngumiti

Pakiramdam ko ligtas ako. Kakaiba ang pakiramdam ko habang magkahawak ang mga kamay namin. Nadarama ko ang lambot at kinis ng mga palad nito. 

Hindi ko na napansin na huminto na ang sinasakyan namin. Bigla ko na lamang inialis ang mga kamay niya sa kamay ko. Pakiramdam ko muka na akong kamatis dito. 

Bumaba na kami at nag-isip-isip ng panibago naming sasakyan.

"Doon naman tayo! Kaso baka di mo kaya!" Bahagyang tumawa ang lalaking kasama ko habang turo-turo ang isang tower na mula pinakataas ay ibabagsak ako.

"Ako? Mayroong di kaya? Mukang fake news ata iyan! Tara nga!" Hinatak ko ang mga braso niya patungo sa sasakyan na sinasabi niya.

Pagkarating pa lamang namin sa pila ay pinasakay na kaagad kami. Wala ng hintay hintay pa. Nakapaikot ang ride, dahan-dahan itong tumataas. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay iisa-isa lang ako kaliliit lamang ng tao pag tumingin ako sa baba nang biglang

"Ahhhhhhhhh!!!" biglang bagsak na lang ng sasakyan at napasigaw ako. Narinig ko rin ang sigaw ni Eunwoo na may halong hagikgik pero bakit tila musika ito sa aking mg taenga?

"Ano buhay ka pa?" pang-aasar nanaman nito sa akin

"Oo noh, sisiw lang kaya iyon." pagmamayabang ko

"Ahhh sisiw pala ah", bigla niya nalamang akong hinatak patungo sa roller coaster. Muli nanamang tumibok ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Hayy ano bang nangyayari sa iyo Moonbin?!

Nakaupo na kami ngayon sa roller coaster. Napapaisip pa rin ako kung bakit ganoon ang pag reakto ng puso ko sa kaniya.

"Kinakabahan ka kaya nakatulala ka noh?" tanong ng katabi ko na siyang nagpagising sa loob ko.

"Ikaw ata diyan ang kinakabahan." saad ko at biglang nagsimula ang sasakyan. Sigaw naming mga nakasakay ang naririnig nang biglang napahawak ang kamay ko sa mga kamay ng katabi ko at nagulat ako ng tinanggap niya ito.  Muli nanamang nawala ang puso ko. Nanatiling magkahawak ang kamay naming dalawa hanggang sa matapos ang sinasakyan namin. Bumitaw na kami sa isa't isa pagkababa.

Nagulat kami dahil ang dilim na rin pala. Alasyete na rin pala. Halos dalawang oras na din pala kaming naglilibang.

"Medjo madilim na pala, ahm magferris wheel kaya tayo?" Tanong ko kay Eunwoo

"Sige ba, rinig ko kanina na magkakafireworks na daw ngayong oras ano tara na?" mahahalata ang excitement sa mga mukha nito

PLAY FIREWORKS BY ASTRO MGA BHIE HIHI

Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa ferris wheel. Buti na lamang at wala gaanong pila. Nakapasok na agad kami at biglang tumunog ang kakaibang tunog, senyas na magsisimula na.

Makikita ang kagandahan ng kalawakan dito. Halatang namamangha ang kasama ko. Habang malapit na kami sa tuktok ay saka nagsimula ang pasindihan ng mga fireworks. Unti-unti kaming napupunta sa tuktok at nang nasa tuktok na kami ay"boogsh" tunog ng mga fireworks. Sari saring kulay ang makikita sa taas. Napatingala kami ni Eunwoo. Pareho kaming namangha sa nakikita namin. Napapanood ko lang ito noon.

"Moonbin, salamat. Salamat dahil sa iyo naranasan ko ito Salamat!" Saad ni Eunwoo habang nakatingin sa taas. Napangiti na lamang ako, biglang tumibok ang puso ko. Kakaiba talaga ang tibok nito, oo aminado akong bi-sexual ako pero pag-ibig bilang fan lang naman ang nararamdaman ko noon, pero bakit ngayon wala pang isang araw ang pagsasama namin biglang gaan na ng loob ko sa kaniya at tila ba gusto ko na siya. Siguro sa panahon na nagpapakafan ako sa kaniya ay kahit papaano may gusto na ako sa kanya kaya mas nadevelop ito sa isang araw na pagsasama namin kaya oo, aminado na rin ako


















May gusto nga ako sa kanya.

Hi mga bHie!! Sorry sa mala pagong na pag uud HAHAHA. Online class na kasi namin last week di na ko makapagsulat huhu. Sana suportahan niyo ko uwu. Vote Comment And Share!!

-AuthorVivid

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Where stories live. Discover now