CHAPTER 9

5 1 3
                                    



Moonbin's POV

Natulala ako sa tanong nito.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" muli nitong tinanong, nasa haarap pa rin siya ng kwarto ko.

"Eh ang hirap kayang mag-abang ng sasakyan." saad ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito

"Akala ko ba ihahatid ka ng kaibigan mo?" tanong nito

"Ah, may nangyari kasi, kinailangan siya sa office. O umalis ka sa harap ng room ko at magpapahinga na ko." saad ko at bahagya naman itong umalis.

"Bukas na lang ulit." nakangiti kong saad at isinara na ang pinto ng kwarto.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap palang makita na masaya yung taong mahal mo sa piling ng iba noh? Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa ref para kumuha ng dalawang bote ng soju. Dahan-dahan ko itong dinala sa sofa't mabagal na ininom kahit wala ng hinalo rito. Napansin ko na lamang unti-unti na sa pagdim ang aking paningin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bzz, Bzz, Bzz" Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock. Hala! Shocks! Hindi ko pala napansin na kanina pa nag aalarm! 7:20 na At alas otso na ang klase ko!
Biyernes na pala ngayon! Ilang araw na rin ang nakalipas matapos maganap ang pagtungo namin sa mall. Nawalan na rin ako ng panahon magmuni-muni at Nagmadali na akong mag-ayos dahil ngayong araw pa namin kailangang ipresent ang proyektong isinagawa namin. Tiyak na malalagot pa 'ko sa mga kagrupo ko kung magpapahuli lang ako sa klase.

Daglian akong tumungo sa banyo.Napapadasal na lamang ako na sana makaabot pa sa klase. Matapos bilisan ang pagligo ay agaran 'kong pinasok ang kwarto upang mabilisang makapagbihid. Sa loob ng labinlimang minuto ay nakaligo na ako at nakapagbihis.

Mabilisan akong lumabas sa condo ko hangga't may nalalabi pa akong tatlumpu't limang minuto. Sa pagbukas ng pinto upang ako'y makalabas nagulat ako na biglaan kong natagpuan sa harap ng pinto ko si Eunwoo na tila ba nakaabang.

Ewan ko ba these past few days parang may kakaiba. Parang napapansin kong lagi niya akong pinagmamasdan eh sa katunayan sila naman ni Gayoung ang laging magkasama at nagkakasundo sa tuwing nagpaplano kami sa inaasikasong gawain na siya nga naming ipepresenta sa araw na ito.

"Hinihintay mo 'ko?" nahihiya kong tanong

"'Di ba halata?" Balik tanong nito at nasimulang maglakad

"Eh bakit mo naman ako hihintayin?" Puros pagdududa kong tanong

"Masama ba?" Walang gana nitong sagot habang palabas kami sa building at patungo sa parking

Walang sinuman ang umiimik sa aming dalawa at masisigurong katahimikan nga ang naghahari. Binuksan nito ang pinto sa shotgun seat at doon ako naupo. Siya nama'y nagtungo sa pinto ng driver's seat at binuksan upang makaupo sa pwesto ay makapagsimula sa pagmaneho.

"You may connect your phone to the speaker, and play any song that you want." Saad ng lalaking katabi ko nang magsimula itong magmaneho. Mayroon kasing maliit na bluetooth speaker na parang in-built na sasasakyan niya. Dahan-dahan naman akong tumango at kinonekta ang telepono sa speaker. Hindi ko mawari kung bakit sa dinami-raming awit ay ang love yourself na ang napili ko. Mabilis na nagsimula ang awit at nang humantong sa koro ay narinig ko ang malamyos na tinig ng taong katabi ko na siyang sumasabay sa awiting tumutugtog.

"Cause if you like the way you look that much

Oh, baby, you should go and love yourself

And if you think that I'm still holdin' on to somethin'

You should go and love yourself"

Napatingin ako sa kaniya habang umaawit ito. Hindi napigilan ang pagkabog ng aking dibdib. Natapos ang koro sabay sa paghinto ng kaniyang pag-awit at siyang pagtama ng mga paningin namin. Bigla kong inalis ang tigtig sa kaniya at tumingin na lamang nang deretso sa harap. Bigla namang nagwika ang katabi ko.

"Andito na tayo, baba na." Saad nito na sinabayan ko ng pagtango at paghinto ng pagpapatugtog ko. Lumabas ako sa sasakyan at naiilang na naglakad papasok sa unibeesidad na kasabay siya. Nasa may bulwagan palang kami nang may sumalubong na babae sa amin at ang unang ngalang winika nito ay ang ngalan ng taong kinaiilangan ko. Mahahalatang may kasiyahan ang babae sa pagwika ng ngalan nito at saka sinunod ang ngalan ko.

"Uy Gayoung, ano handa ka na rin ba?" Sagot ko sa babae

"Nako, siyempre ako pa ba? Haha Hwaiting sa atin!" Ngumiti ito at sinagutan ko rin ng ngiti habang wala namang kibo ang lalaking kasabay ko. Tatlo kaming sabay sabay na naglakad patungo sa aming silid.

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora