CHAPTER 6

9 0 0
                                    

Moonbin's POV:

Mahabang usap-usapan rin ang naganap. Kailangan pa naming magkita bukas, napagkasunduan namin na sa isang cafe.

Nagannounce kasi kanina na maaaring di muna kami pumasok sa ilang araw sa linggong ito depende nalang kung papapasukin ka ng teacher mo. Ginawa nila ito para makapagplano kami at ang mga guro namin sa mahalagang event na magaganap.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Eunwoo.

"Bakit ganon ang pakikitungo mo kay Seungkwan?"

"Bakit kailangan bang ituringko siya bilang prinsipe?"

"Bakit ba naging ganyan ka bigla? Ang gusto ko lang naman ay makilala mo siya nang sa gayon mas magkaroon ka ng kaibigan."

"Susubukan ko." Saad nito at umalis na.

Akala ko pa naman sabay kaming uuwi ngayon. Umasa ako doon ah. Pagkababa sa rooftop ay natagpuan ko si Seungkwan.

"Seungkwan!" Pagtawag ko sa pangalan nito.

"Oh Bin!" agad naman itong nagtungo palapit sa akin.

"Pasensya ka na sa pakikitungo ni Eunwoo kanina ah."

"Nako, ano ka ba ayos lang iyon HAHA!"

"Hays di ko talaga alam kung bakit biglang nagkaganun iyon. Treat na lang kita ngayon para makabawi naman ako."

"Iyan. Iyan yung gusto ko. Tamang ubos lang sa pera mo."Asar nito at humagikgik.

"Tss. Saan ba tayo?" tanong ko

"Sa condo mo na lang." saad nito at ngumiti.

"Eh? Wala naman akong gamit doon na iluluto."

"Edi bumili tayo sa supermarket sa tapat niyo."

Saglit akong napatingala at nag-isip-isip

"Sige naaaa, Pleaseeee!" saad nito at ngumuso pa

"Hays. Oo na nga." saad ko at nagsimula na kaming maglakad patungo sa condo upang ibaba muna namin ang mga gamit.

"Ano bang ipapaluto mo sa akin?" tanong ko nang makadating kami sa supermarket malapit sa amin.

"Uhm simple lang naman."

"Ano nga?"

"Carbonara lang."

"Carbonara?! Simple? Galeng!" saad ko habang naglalakad patungo sa mga ingredients na kailangan ko.

"Wag ka ngang maginarte. Tingnan mo pumapayag ka naman." hagikgik nito

"Hays. Ngayon lang ito." saad ko at hinanap ang gagamiting pasta nang makita ko ang tila ba likod ng lalaking gusto ko sa tapat ko. Mukhang namimili siya ng mga kailangan niya sa condo niya.

"Eunwoo!" sigaw ni Seungkwan. Biglang napaharap ito.

"Andito ka rin pala?" tanong ni Seungkwan

"Oo,kaya nga nakikita niyo ko diba." pabala nitong sagot. Ano bang nangyayari dito.

"Sumama ka na samin! Ipagluluto ako ni Bin ng Carbonara. Sumama ka na." saad ni Seungkwan. Napakagat labi na lamang ako.

"Huwag na." saad nito at matalim akong pinagmasdan.

"Sumama ka na." saad ko at wala na siyang nagawa kundi tumango. Kinuha na niya ang prutas na hinahanap niya at sumama na sa amin ni Seungkwan.

"Ilalagay ko lang ito sa condo ko." saad ni Eunwoo nang makarating kami sa building.

"Jusko! Magkatabi lang pala iyong room niyo? Ang astig naman!" manghang saad ni Seungkwan.

"Anong astig doon?" itinaas ko ang aking kilay

"May kalapit kang artista at isa pa magkaibigan kayo duh!" saad niya at printeng humiga sa sofa.

"Iluto mo na nga iyan at nagugutom na ako." tila hari nitong saad

Nako! Kung wala lang akong atraso dito ay pinukpok ko na ng sandok. Dapat talaga si Eunwoo ang gumagawa nito ay! Nagtungo na lamang ako sa kusina upang simulan na ang gagawin ko. Alasingko palang naman kaya pangdinner na talaga ko ito. Habang sinasalang ay may narinig ako

"Si Bin?" boses ni Eunwoo

"Ah andoon sa kusina. Umupo ka muna." sagot naman ni Seungkwan

Tila ba hindi ito pinansin ni Eunwoo nang makarinig ako ng mga yapak patungo rito.

"Tulungan na kita." nagulat ako sa biglaang paglapit sa akin ni Eunwoo.

"Ahh wag na." hiyang sagot ko.

Bigla niya na lamang kinuha ang ibang sahog at sinimulang maghiwa.

"Hays ang kulit." saad ko habang sinisimulang isalang ang pasta

"Hindi mo ito magagawa kung mag-isa ka lang." maikling sagot nito

"Ganto ka ba talaga? Lagi mong pinagluluto iyang kaibigan mo." may diin ang salitang kaibigan.

"Hindi naman. Ngayon lang ito noh. At isa pa bakit ba ang init ng pakikitungo mo kay Seungkwan? Mabait naman iyon ah."

"Tss." maikling saad nito. Bakit ba ang sungit nito? Napuno na lamang ng katahimikan ang kusina hanggang sa matapos na kaming magluto.

"Seungkwan! Ihanda mo na iyong mga kagamitan nang makakain na tayo!!" Malakas na utos ko kay Seungkwan.

"Opo Opo!" saad nito.

Inihanda na namin ni Eunwoo ang niluto at iniglipit na rin namin ang ilang gamit.

"Ang sarap naman nito. Halatang si Eunwoo ang nagluto nito." Saad ni Seungkwan habang kumakain.

"Pano mo nasabi?" Inis na tanong ko

"Masiyadong masarap noh. Di ka naman ganito magluto" Saad nito at patuloy na kumain.

Napaligiran kami ng katahimikan.

"Ako na ang maghuhugas." Nakangiting saad ni Seungkwan at nagtungo na sa lababo upang hugasan ang mga kasangkapan.

"Ah eh dito ka muna sa sofa?" Aya ko kay Eunwoo nang makaupo ako sa sofa. Bigla itong tumabi sa akin. Nagdikit kaming dalawa. Matinding tibok ng puso ang nararamdaman ko. Grabe. Ganto ba talaga kapag gusto mo ang isang tao?

A/N:
Hi Guys! So babagal nanaman ang pag uupdate ko lalo na't may klase na ko tom and may isa pakong pinagkakaabalahan Haha! Nagsisimula na rin kasi akong magvlog so expect me to update slowly BUT don't worry kasi tapos na po ang plot ng story. Magtatype nalang ako hihi! Please support me po!❤️💖 Comment Share and Vote! Saranghae!❤️💖

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon