Chapter 8

8 0 0
                                    

MOONBIN's POV
Papunta sa mall ay sumakay kami sa kotse ni Eunwoo. Nasa shotgun seat ako kanina. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam kong pasulyap sulyap ang katabi ko sa akin. Hayy! Baka naman nagiilusyon lang ako.

"Tara na!" Panimula ni Gayoung nang makababa na kami sa kotse.

Nauna siyang pumasok at naiwan kami sa labas ni Eunwoo.
Nginitian ako nito at sumenyas na pumasok na rin kami.

"Comfort room muna ko ah." Saad ni Gayoung at tumungo na sa comfort room habang kama'y nakatayo lang sa may pasukan ng mall.

"Moonbin!" Napatalikod ako nang may tumawag sa pangalan ko at biglang yumakap. Nakita ko ang paniningkit ng mga singkit na mata ni Eunwoo.

"Uy MJ" bati ko sa aking kababata.

"Eunwoo si MJ nga pala kababata ko." Ngiti kong pakilala kay MJ.

"Eunwoo?!" Gulat na tanong ni MJ

"Huwag kang maiangay hoy." Babala ko kay MJ

Ngumiti lang si Eunwoo at inilahad ang kamay tinanggap naman ito ni MJ.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni MJ

"Ala maggagala gala lang. Sama ka?" Tanong ko kay MJ.

"Ayos lang ba?"

"Oo naman."

"Sige sige sasama na ako. Total naman day-off ko ngayon sa trabaho."

Lumabas na rin si Gayoung sa banyo.

"Gayoung si MJ nga pala." Pakilala ko

"Hello MJ! I'm Moon Gayoung." Inilahad ni Gayoung ang kamay niya sa harap ni MJ.

"Mj." Ngiting sagot ni MJ at tinanggap ang kamay nito

"Jowa mo si Moonbin?" Tanong ni Gayoung

"Magiging." Sabat ko

"Magiging?" Taka at gulat na tanong ni Eunwoo

"Kapag dating ng sampung taon at wala parin kaming jowa kami nalang magjojowaan, diba MJ?" Saad ko kay MJ

"Oo HAHAHAHA!" At saka tumawa nanaman siya nang malakas.

"Tara. Kumain muna tayo." Saad ni Eunwoo.

Pumasok kami ngayon isang kainan. Katapat ko si Eunwoo habang katabi niya si Gayoung kaya katabi ko naman ang kaibigan ko.

"Treat ko ito ngayong araw kaya order lang kayo." Saad ni MJ na ikinagulat ko.

"Ikaw?! Manlilibre?!" Gulat na tanongko

"Manahimik ka at oo oo manlilibre ako." Saad nito kaya't napangisi ako.

"Anong order niyo?" tanong ni MJ

"Ikaw nalang bahala nakakahiya." saad ni Gayoung at ngumiti

"Ah eh sige." saad ni MJ at saka sumenyas upang tawagin ang isang waiter.

"Hm, isang set D nga, salamat." saad nito sa waiter at ngumiti.

"Dami mo naman atang pera ngayon?" Tanong ko sa kaniya

'TILL THE END(BINWOO FANFIC)Where stories live. Discover now