ZOROTU 17

86 10 0
                                    

CHAPTER 17:
Desperate Actions


Mira's POV

Kanina pa kami nag-iikot ng isang nahanap kong kasama coincidentally na si Chloe. Dapat daw kasi kanina ay sila ni Flame at Sapphire ang magkakasama nang mapahiwalay siya nung nagtakbuhan sila sa magkakaibang direksiyon. They saw zombies flocking. Nataranta siya masyado at namalayan niyang nag-iisa nalang siya.

She tried searching for them but to no avail she started getting lost. Buti nalang nakita ko siya habang nag-iikot ako at naghahanap ng makakain. It's dangerous to wander around alone in a mountain full of zombies.

"Mira.. Balik na tayo.. Nakakatakot naman dito. Baka may zombies." she tugged my jacket. I agreed with her. To be honest, I'm starting to get creeped out because I can feel something bad really. Parang may nagmamatyag samin na di ko maipaliwanag kaya mas gusto ko nga ang ideya na bumalik na kami.

We found some canned goods on some small houses inside the forest. It's still edible and unopened so its safe.

"Ang lamig talaga!" komento ni Chloe. Magkatabi kaming naglalakad at parehong may bitbit na supot. Hinigpitan niya ang pagkakakipkip ng kaniyang jacket. She inhaled then sigh.

Natawa ako. May hamog na kasi sa paligid tapos may lumalabas na rin na usok sa mga bunganga namin kada hihinga kami.

"Malamig talaga dito. Syempre halos nasa tuktok na tayo ng bundok. Idagdag mo pa na walang araw saka hapon na.." saad ko pa.

Nakakaboring buti nalang ay siya yung kasama ko. Masasabi ko kasi na sa mga kasama namin, siya ang pinakamadaling pakisamahan. Hindi mo talaga mararamdaman ang ilang tapos sobrang friendly niya pa. Kaya eto, usap lang kami ng usap habang naglalakad pabalik. Nagkukwentuhan kami sa mga nangyari at mga plano namin.

Nakakaaliw siyang kasama kaya hindi ako mabuburo. Siguradong ganun din ang mga kasama ni Cyan ngayon. Siya pa naman ang number one super madaldal sa aming lahat.

"Sa tingin mo? Makakapasok kaya tayo duon sa Safe place na yun?" kuryosong tanong ni Chloe. I simply smiled at her. "Don't worry. Ano man ang mangyari, sigurado namang makakaisip ng paraan sina Hera kung hindi eh."

"Pero as much as possible, I prefer to not get close in that place. I don't like the vibes I'm feeling. I always felt that something is wrong the moment we started heading here." I said. Ayaw ko siyang takutin pero ayos na rin naman ang maging tapat eh. What can I do if that's what I feel?

Chloe gave me an reassuring smile. "Don't worry to much. I'm sure that whatever happens, It will all turn out okay."

Matiim ko siyang tinitigan. Malaki talaga ang tiwala niya sa mga kaibigan niya. I hope I can have that kind of friendship someday too. Oh well...

"Naririnig mo ba yun?" she whispered softly at me. Mapanuring pinasadahan namin ng tingin ang paligid. She was right though. I also thought I heard something. Like some branches and leaves crumpling against somebody's steps. Nagkatinginan kami at hindi man sigurado ay naghanda.

She pulled an arrow from her quiver and positioned it on her bow, taking aim. Habang hinugot ko naman ang isang baril na nakakabit sa hita ko at naghanda rin.

We proceeded cautiously in the forest walking slowly. Hindi nga kami nagkamali. Mga ilang metro ang layo sa amin at namataan ko ang mga zombie na naglalakad.

I let Chloe take her aim to save bullets. Her arrows are made of steel which means she can use it everytime no matter how many times it pierces anything it's strong and durable.

Mabagal niyang hinila ang string ng pana niya. Huminga siya ng mabagal at sobrang nagconcentrate. Dahil dun ay naramdaman ko ang pagbabago ng aura niya. It's more intense and serious to the point that I am very aware of her presence. Damang dama ko ang intensidad ng pagpopokus niya pati na rin ang enerhiyang galing sa kaniya.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadWhere stories live. Discover now