ZOROTU 3

393 21 10
                                    

CHAPTER 3:
Day 1 Part 3


Michael Angelo's POV

Lagi akong puyat, ibig sabihin lagi rin akong inaantok. Nakakabanas nga kasi maaga akong gumising para lang sumama sa isang Field Trip.

Ayos sana kung may kasamang action or mga talagang parang hiking ang gagawin. Magtotour lang naman sa Museum eh. Boring.

Nagdesisyon nalang kami nila Ephraim, Zachariah, at Atticus na magpaiwan sa bus.

Hindi kami nahalata na naiwan kasi nasa pinakalikod kami at siniguro din namin na walang makakapansin samin. Masyado silang excited at halos nag uunahan sa paglabas na pabor naman sa amin.

Ang gusto ko lang ay matulog at mukhang ganun din si Ephraim at Atticus. Bahala na si Zach sa buhay niya. Malaki na siya. Siguro maglalaro lang yan sa dala niyang gadget. Napaismid nalang ako nang makitang nagkaniya kaniya kaming suot ng headphones saka nagsoundtrip. Full volume para walang istobo.

Pumwesto ako sa pinakahulihan kung saan may pinakamahabang upuan. Ayos din ito kasi malamig sa bus at masarap matulog. Malambot din ang upuan kaya komportable. Humiga rin nga si Ephraim sa kasalungat na puwesto ko eh. Dun sya sa kabilang side ng mahabang upuan. Lagi kaming may dalang bag kaya pwede na yung unan.

Si Zach ang nasa ibaba ko na dumausdos lang tapos si Atticus sa baba na upuan ni Ephraim. Pwede na din ito. Di naman kami mahahalata eh.

(A/N: pasingit lang guys... so ganito yung upuan nila.... yan yung reason bakit di sila nahalata at di sila nagising sa ingay....)

Driver Seat                           (Door)  
(Chloe)

Empty/Blaze      Empty/Hera
Empty/Jade       Uriel/Sako
Marco/Kael        Xiara/Empty
Sako/Sako          Flame/Sapph
Erin/Karen          Empty/Oliver
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Empty/Empty     Empty/Empty
Atticus/Empty    Empty / Zach

Ephraim/Empty/Empty/MiLo

(Michael Angelo aka Milo.)

Napasarap na yung tulog ko at di ko na namalayan ang oras. Nagising nalang ako sa mahihinang tapik sa mukha. Sino ba tong istorbong ito!

"Hmm ano ba! Pabayaan nyo na ako matulog please lang!" bwisit na anas ko. Tinabig ko na rin papalayo ang kamay na patuloy lang sa pananapik sa pisngi ko. Hindi pa nakadagdag na may makulit ding sumusundot sa tagiliran ko!

Ano bang problema ng mga tao ngayon? Inis akong napaungot at tumalikod sa pagkakahiga para tigilan na nila yung kakatapik sa pisngi ko.

Dahan dahan ulit akong nahihila ng antok at nahihimbing ng muli nang may biglang humila sa buhok ko na halos ikahulog ko sa upuang hinihigaan ko.

"What the??!!" halos napamura na ako. Inis akong nagmulat at agad tinanggal ang headphones ko na patuloy pa ring tumutugtog at naka full volume pa pala ito.

Nagulat ako nang makita si Hera sa harap ko. Nakikisiksik pa si Marco habang dinudungaw ako ng iba pang mga pamilyar na mukha. Kilala ko na sila dahil magkakabatch lang kami at madalas ko din silang makasalamuha sa paaralan.

Linibot ko ang paningin ko sa pagtatangkang hanapin yung mga taong dapat na kasama ko ngayon. Lagot kami nito kay Hera. Huling huli niya akong natutulog kaasar.

Hinanap ko rin yung iba kong kasama. If im going down, i'm going to drag them with me. Nakita ko sila agad. Magkakasama kaming haharapin ang mga sermon ni Hera.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadWhere stories live. Discover now