ZOROTU 4

368 19 3
                                    

CHAPTER 4:
The Hotel Del Fiego


Cyan's POV

Nagtatakbo kami nina Iris, Dash at Reese papunta sa first floor nang makarinig kami ng mga yabag.

May tao sa baba! Baka mga zombies! Nauuna akong bumaba. May hawak akong mop. Oo mop!! Ito yung nakita ko na malapit eh. Si Dash naman ay talagang may own spear siya. Fan kasi siya ng mga ganyan eh. Si Iris naman ay may hawak na patpat. Tapos hawak ni Reese ang baril nung guard ng hotel na tigok na din.

"Bilisan niyo!" utos ko sa kanila. Nahuhuli kasi sila kaysa sa akin eh. They're falling behind while I rushed to go downstairs.

Hindi naman nila ako sinagot at patuloy lang na nakasunod sa'kin. Iris was still tying her robe while running. Kakatapos niya lang kasi maligo at magbihis. The problem is masyadong manipis yung damit niya.

Kinailangan ko pang katukin sina Dash sa kabilang room dahil separate ang rooms na kinuha namin. You know, girl and boy thingy.

Malapit na kami sa bulwagan nang maaninag ko ang mga naglalakad. Napahinto kami sa mismong baba ng main stairs. I was rooted in place looking at people! Breathing humans!

Yehey! Buti nalang pala ay may iba pang buhay! Akala namin ay kami nalang yung survivors!

Abala ako sa paglilibot ng paningin ko. I am so overwhelmed with these people!  Pero nagulat ako nang may mamukhaan.

"Cyan? Oh shit, ikaw nga!" sigaw ng isang boses at niyakap nalang ako bigla. Lalaki ang bigla nalang akong dinamba ng yakap sa puntong akala ko ay matutumba ako.

I pushed him to have my space and to see who it was but I was surprised on who it was too! "Wahh Enzo!" I shouted with joy. Nakakatuwang makita siyang buhay!

"Enzo pare!" nakangiti ring bati ni Dashielle sa kanya. Nagfist bump sila saka nagman hug naman sila ni Reese. Kahit si Iris ay nakiyakap din.

"Kaya pala wala kaming mahanap na zombies sa first floor. Mukhang nilinis niyo sila." Stone said discreetly. By discreetly, he meant "niligpit like tinapos" na parang ended, basta ganun.

Too harsh. Nakikilala ko rin si Stone siyempre. He is a schoolmate unlike Enzo that is really a very close friend.

"I guess we dont have to worry anymore since you know them." Blaze. Ibinaba niya yung hawak niyang baril at gumaya naman ang iba na ibinaba din ang hawak na mga weapons.

Don't get me wrong. Di ko siya kilala. Sadyang may malaking 'BLAZE' lang na nakaprint sa coat nito.

"Wala naman sigurong may kagat sa inyo diba?" paniniguro ko pa. Tumango naman sila. Habang abala sina Enzo ay nakita ko ang iba sa kanilang umupo sa mga kalapit na sofa. Mukha silang drained at sobrang pagod.

"Dun tayo sa taas.. May mga kwarto dun." sa wakas ay nagyaya na sila Dash. Ang tagal nila makiramdam ah wow lang.

Nagsisunuran naman silang lahat. Wow.. Sobrang dami pala namin dito.

Dinala ko sila sa elevator papunta sana sa 5th floor kung saan matatagpuan ang napakalaking penthouse na may apat na malalaking kuwarto.

"I'm Hera and these are my friends." narinig ko ang isang boses. Mukha siyang masungit sa unang tingin pero ang kyut kyut ng pisngi niya! Masasabi kong mas matanda siya sakin ng dalawang taon. May tangkad siyang 5'4.. Matangkad na yun para sakin na isang pandak noh.

"Hello!! Im Cyan.. Like the color." jolly kong bati. I lead them to the penthouse. Actually nagsisiksikan kami sa elevator ngayon.

Halos wala pa sa kalahati nang bilang nila noong tumunog yung alert sound ng elevator na ibig sabihin ay sobrang mabigat. Di uusad ang elevator kapag nareach niyon ang bilang ng mga tao or yung weight limit.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadWhere stories live. Discover now