ZOROTU 6

223 15 0
                                    

CHAPTER 6:
Ignorance

Stella's POV

Basang basa ako ng ulan. I was soaking wet when I entered the penthouse. Di gaya kanina noong umalis kami, tahimik na sila. Wala na ang masasayang ngiti nila. Wala na ang malalakas nilang tawa at pag-uusap. Higit sa lahat, nawala na ang kaibigan namin.

Nakita ko nang maglakad sa amin palapit ang mga best friends ni Jade. Napayuko ako. I can't face them nor look at their soulful eyes.

"Kasalanan mo lahat ito!" Galit na sigaw ni Oliver. Nanginginig siya sa galit at lumapit sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko na para bang gusto niya itong baliin.

Impit akong napadaing sa sakit.

Napapikit ako at hinintay na baliin niya ang braso ko sa sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin. Pero di nagtagal ay nawala ang sakit sa braso ko at napamulat ako.

Padaskol akong nabitawan ni Oliver pero halatang galit pa din siya. Mariin niyang pinikit ang mata niya at bago ko pa mamalayan ay itinaas niya ang kamay niya. Seryoso ba siya? Talaga bang sasaktan ako ni Oliver? Inambahan niya akong sasampalin ata pero bigla nalang siyang hinila ng ibang boys at hinarang. Pinaglayo nila kaming dalawa.

"Tama na!" Pigil nila sa kaniya. Pumagitna sila sa amin at hinila naman ako ni Gianna sa kuwarto namin.

I didn't look back. Nakayuko akong pumasok at tahimik lang sila. Akala ko ay susumbatan nila ako pero wala silang imik. Are they giving me silent treatment?

"Sige na.. Sumbatan niyo ako. Sigawan niyo ako... Magalit kayo."

Pero wala. Tahimik lang sila. Akala ko wala na silang pakealam pa pero marahan akong iginiya ni Iris sa cr. Inabutan nila ako ng tuwalya at pinaligo muna. Paglabas ko sa shower area ay may nakahanda na akong damit na nasa may lababo.

I smiled sadly. Malungkot kong tinitigan ang mukha ko sa salamin.

Muli na namang bumalong ang mga luha ko. I instantly wiped my tears when the door opened and Mira's face peeked at me. Tinalikuran ko siya at sinuklay ang buhok ko.

Akala ko ay pababayaan niya ako pero pumasok siya sa cr. She quietly closed the door and went to me.. "Shhh iiyak mo lang." Aniya. Yinakap niya ako at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya. Humikbi ako.

"Mira..." I wailed like a kid and hugged her. She soothed me and slowly tapped my back. Mira brushed my hair with her hands lightly, calming me.

Nang tumahan na ako sa wakas ay iginiya niya ako palabas pero umiling ako. Ayokong lumabas. Alam kong karuwagan ito pero talagang natatakot ako.

"Wag kang mag alala. Kasama mo ako. Di kita iiwan." Pagpapalakas niya ng loob ko.

Paglabas namin ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I feel like my heart is gonna burst. Omo. Jade please lend me your strength so that I can face them. Magkapanabay kaming naglakad ni Mira.

Sa labas ng kwarto ay naroon lahat ng mga babae naming kasama. Di gaya nina Iris na kalmado ay nagaapoy naman sa galit ang iba.

Naiintindihan ko sila. It was my fault. They deserve to get angry at me. Flame was very angry. Sinugod niya agad ako paglabas ko pa lamang sa cr.

Hawak hawak niya ang dress na suot ko at ang gintong heels na sinukat ko. Galit niya iyong ibinagsak. "Eto ba?? Ginusto mong lumabas para lang magshopping kahit alam mong delikado? To the expense of dragging my best friend with you?!!!!!" Madilim niyang sigaw. Pinukulan nila akong lahat ng tingin, hinihintay ang magiging sagot ko.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadWhere stories live. Discover now