Chapter 29: Chances

1K 45 28
                                    

Spoiler: may mangyayaring halikan ngayon.

JESS

Pagkatapos ako tangayin, at intrigahin ng mga kaibigan ko kung ano ba ang namamagitan samin ni Macky ay bumalik nako ng clubroom. My god, lahat nalang ba ng mga lalaking makakasama ko pagiisipan nila ng iba. At ang isipin na magkakaroon ako ng romance-thingy kay Macky ay nagbibigay sakin ng kilabot. Sobrang imposible ang iniisip ng mga kaibigan ko.

Pagkapasok ko ng clubroom wala akong nakitang Macky so safe ako. Nahihiya parin kasi ako sa ginagawa ng mga kaibignan ko kanina, kung ano-ano kasi mga sinasabi! Dagdag mo pa yung pinagsasabi ko kanina tungkol sa katawan niya. Argh Jess, how you be so tanga?!

Kailangan ko pang kumuha ng lakas para sa susunod na pagkikita namin ni Macky. Hindi ko pa kasi nasasabi yung message ni budol-budol sa kanya, bigla kasing umepal mga kaibigan ko. Teka! Asan ba siya? Ang sabi ko sa kanya magkita kami ng 4pm ng hapon, ba't wala parin siya dito sa clubroom?

Kanina kasi ay hindi ako sa clubroom nagtanghalian, kumain kami nila Elly sa mga foodstall dito sa may University ng NorthMarine. Wala pa nga ako ligo simula ng matapos ang laro namin kanina eh, maaga pa yun, natuyuan narin ako ng pawis. But, Hoy! Hindi mabaho ang amoy ko. Wala kaya akong body odor, amoy na amoy parin yung favorite perfume ko sa damit. Ang fresh ko kasi. Hahaha.

By the way! Nagkasalubong kami kanina nila James, at Eigie. Ako daw ang pakay nila kasi 'di daw matahimik si Eigie habang hindi ko pa daw siya nakakabawi sa kasalanang ginawa niya sakin, sabi sakin ni James. Like what the heck? Ano ba ang hindi naintindihan ni Eigie sa salitang wala siyang kasalanan sa nangyari sa kamay ko? Hagik siyang ilibre ako kanina at ubusin ang laman ng wallet niya, kaya ang ending sabay-sabay kami nagmerienda at libre niya kaming lahat. Ikinaligaya naman yun ni Eigie. Actually labag pa nga sa kalooban ko, hindi kasi ako nagdesisyon nun! Mga kaibigan ko! Sabi nila yun na daw ang pagkakataon nila para makasama ng matagal si James, at ang bagong crush nilang si Eigie. Sobrang bilis nga eh! Tsk.. tsk.. tsk..

Naghiwalay ang mga landas namin ng sumulpot mga kaibigan ni Eigie (dalawang lalaki at isang babae) and I found something out of my curiosity. May girlfriend na si Eigie! Hindi ko masasabing girlfriend niya talaga pero hindi ko kasi sinasadyang makita yung patagong pagho-holding hands nung kaibigan niya daw na babae, pero bakit nila ginawa yun kung hindi talaga sila mag-on? Siguro ay tinatago nila ang kanilang relasyon. Ako lang ata nakapansin nun kasi mga kaibigan ko todo kilig at kwento pa sila tungkol kay Eigie, nasapawan na nga si James eh! Haha. Well kung ano ang nalaman ko ngayon ay sakin nalang, baka magkagulo pa pag may nakaalam na iba.

Anyways back to business! Nilapitan ko muna si Mark habang kumakaway siya sakin, tatanongin ko na rin siya kung saan ba nagpunta si Macky. Lumapit ako sa kanya, tumayo naman siya bigla at may kinuha mula sa bulsa ng kanyang shorts.

"Jess, look at this!" Masayang sabi sakin ni Mark at ipinakita ang screen ng cellphone. Tinignan ko naman ng mabuti iyon. There's something writen sa may bandang taas ng screen, naka highlight yun so hindi ako naghirapan magbasa. Nakalagay Shanta University, ito na ba yung sinasabi ni budol-budol na page ng University namin?

"Ano meron dito?" Takang tanong ko pa sa kanya. Sinimangutan niya naman ako at kinurot sa pisngi ko! "Aray! Bakit ba?!"

"Uso mag basa!" Natatawang sigaw niya sakin. Inirapan ko lang siya at hinimas-himas pisngi ko. Ang sakit mangurot ng lalaking 'to! Sapakin ko kaya siya? Gaganti lang naman eh. Haha

Guys Do Fall In Love With Gays Where stories live. Discover now