Chapter 28: Rival Leagues (Sportsfest-part5)

832 47 2
                                    


JESS

Do you know that if the dog don't like the other dog, they'll become beast and aggressive. Now you know. Well ano ang connect nun sa sitwasyon ko ngayon? Nasa gitna lang naman kami ng laro nang biglang nagkainitan ang aming Captain (Stitch) at ang setter ng kalaban na si Semisgundo. Para talaga silang aso na nag aaway at tahol ng tahol.

Hindi namin sila mapigilan sa pagbabangayan. Ang nagawa lang nang mga kasama ko ay pigilan silang sumugod sa isat isa at pigilan ang magsuntukan. My god! Nakakahiya ang ginagawa nilang eskandalo dito sa University ng NorthMarine, they sure have some balls to fight in here at gymnasium. Akala mo pagmamay-ari nila itong Court.

"Tangina mo! Ulitin mo sinabi mong mahina ka!" Sigaw ni Semisgundo habang pinipigilan siya ng mga ka-teammates niya.

"Wala ka lang binatbat sa spikes ko kaya hindi mo matanggap na hindi mo nasasalo ang bola! Iyakin! Gago!" Malakas rin na sigaw ni Stitch!

Really? Ang performance nila ang pinag-aawayan nila? How childish! Sa simpleng asaran lang ay nagkakaganyan sila? Jusko, nung ako nga ginaganyan ni Raccel ng first day ng sportsfest ay hindi ko pinapatulan, nilabanan ko siya sa patas na paraan. Walang sakitan! Eh itong mas matatanda pa sakin ay nagaaway ng wala sa ayos!

"OMG! PIGILAN NIYO SILA!"

"STOP THEM! BAKA MASIRA PAGMUMUKHA NILA! SAYANG!"

"GO STITCH!"

"IM PRAYING FOR YOU SEMISGUNDO!"

"SOMEONE STOP THEM!"

Yeah! Stop them please. Kasi ang mga babae dito ay nagwawala sa takot na baka magkasakitan sila at mawasak ang gwapong mukha ng magka-away. Ang iba naman mukhang may pinapanigan pa at gusto talagang magkagulo.

Nilingon ko naman si Coach na may kinakausap, kasama niya rin ang Coach ng Misgaro. Mukhang mataas na opisyal itong tao na 'to dahil naka-formal attire siya, matanda at mahaba ang balbas. Nasa tantiya ko ay edad 50+ na ang lalaking ito. This is bad! Masama na ang matang nakatingin ang hinahinala kong opisyal sa kateam naming si Stitch at kay Semisgundo. I can't take this anymore! Ayoko may mangyari sa kanilang dalawa na siguradong pagsisihan nila. I feel something bad might happened.

Napahigop ako ng hininga. Please god, guide me in what should I do. Sana hindi ko rin pagsisihan ang aking gagawin.

"CAN YOU PLEASE STOP!!" Sa sigaw ko na iyon ay nakuha ko agad ang atensyon ng lahat. That was fast! "HINDI BA KAYO NAHIHIYA AT PARA KAYONG MGA BATANG NAG AAWAY DAHIL SA ISANG WALANG KWENTANG ASARAN! BE MATURED AND DONT ACT LIKE A KID!" Unti-unti pa akong lumalapit sa kanila habang ang legs ko ay nanginginig sa kaba. "Maraming tao ang nanonood pero nagawa niyong mag eskandalo dito! Nasaan ang hiya niyo? Nasaan ang sportsmanship niyo?! Alam niyo ba ibig sabihin ng Sportsmanship?! Ha! Wag niyo dalhin ang walang kwentang problema niyo sa buong team kasi may nadadamay kayo!" Buong lakas kong sigaw sa kanila.

Habol-habol ko ang hiningang napahawak ako sa tuhod ko at napayuko, saka ako lumingon sa kanila. Parang hindi naman makapaniwala ang mga teammates ko at ang team ng Misgaro sa pinagsasabi ko. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang sinabi ko, ang alam ko lang ay kailangan ko sila pigilan. Alam ko makapal ang mukha ko para sabihin sa kanila yun pero this is the only way I think to stop them from fighting. I lowered my hands and pointed the direction of our Coaches, taka naman silang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Jess, what're you doing?" Si Mitch na may halong pagtataka. I keep swinging my hands below and try to tell them that our coaches is glaring at us. Di ko kayang magsalita, parang nawalan ata ako ng hininga at masakit ang lalamunan ko kakasigaw.

Guys Do Fall In Love With Gays Where stories live. Discover now