Chapter 27: Face on (Sportsfest-part4)

904 46 3
                                    


JESS

Kuya and I made it, nakarating narin kami sa aming destinasyon, sa Belonians University. Bumaba ako ng kotse at iniwan na ni Kuya, may gagawin daw kasi siyang importante kaya mag isa akong pupunta ng gymnasium.

Speaking of gymnasium.. Saan ba pwesto nun? Malaki kasi itong Uni nila dito, actually lahat naman siguro malaki ang Universities yung aabot ka sa puntong maliligaw ka at kailangan mo pa magtanong sa mga tao para makarating ka sa kung saan man ang pupuntahan mo parang katulad ng nangyari sakin sa first day ko sa Shanta buti na nga lang at tinulungan ako noon ni Handsome angel or Eric para makita ko ang dorm ko, wala lang na bring up ko lang. Nasa parking lot parin kasi ako pero di ko alam kung saan ang entrance ng school at saan nagaganap ang laro.

Syempre ako, sinundan ko ang mga studyanteng naka uniporme at ang iba ay naka suot ng pangalis mukhang sa iisang direksyon sila pupunta probably doon ko matatagpuan ang hinahanap ko. At, sa wakas nakita ko narin ang entrance. Pinakita ko ang ID ko sa may students na nakapwesto o bantay sa harap ng Uni, pagkatapos ay pinapasok na nila ako. Bumungad sa akin ang mga nagraramihang mga food stall and booths dito sa loob ng Uni ng Belonians. Nagliwanag ang mga mukha ko ng makita ang mga 'yun pero ang tukso na dala ng pagkain sakin ay dapat kong pigilan kailangan ko na agad makarating sa gymnasium, at baka hinahanap na ako ng teammates ko pati rin ni Coach.

*PAK!

Napasampal pa ako sa aking noo dahil nakalimutan ko tanungin yung nagbabantay sa entrance kung saan ang gymnasium. Magtatanong nalang siguro ako sa mga tao dito, Im sure some of them knows the location of my target place.

Nahihiya naman akong lumapit sa isang babae dito malapit sakin, pero napa atras rin ako kasi may umakbay sa kanyang lalaki. Mukhang boyfriend niya. PDA sa daanan? Hindi ko alam kung nanadya ang tadhana at ipinakita niya sakin itong nakakainggit na tanawin, masakit sa mata eh. Charr

Hindi ko nalang itinuloy ang balak ko at pinili ko na lang tahakin ang diretsong daan ng biglang may nahagip ang aking mata. Isang soccer player! Biglang sumagi sa aking isipan na isa siyang player, may alam siguro ito kung saan ang gymnasium kaya nilapitan ko ito. Wala ng hiya hiya, pakapalan na ng pagmumukha!

"Ah, soccer player!" Tawag ko naman sa atensyon ng lalaki na mas matangkad pa sakin, agad naman siyang lumingon sa gawi ko, at saka ako nakalapit sa kanya. Paglapit ko sa kanya ay napansin ko na agad ang mga mata niyang kulay brown, ang ganda ng mga 'yun!

"Ha? Ako ba?" Turo niya pa sa sarili kaya tumango ako bilang sagot. Mukha naman ata siyang nawirduhan sakin ng bigla akong lumapit, is that because tinawag ko siyang Soccer player? Well nevermind.

"Ah, A-Alam niyo po ba kung saan yung gymnasium?" Pinapakita ko sa lalaking kaharap ko na nagmamadali ako. Pero, bwesit lang! Ang tagal sumagot, pinagmamasdan niya ako na mukhang pinag aaralan ang aking mukha. Meron siguro akong dumi sa mukha o napapangitan ito sakin, mukha kasing ini-scan niya ako na parang xerox machine para madetalye ang buong pagkatao ko.

"Fan rin ba kita?" Biglaang tanong niya. Para naman akong bato na biglang naglaho ang ekspresyon sa mukha. Tanong ang itinanong ko tapos tanong rin ang isinagot. At, ano sabi? Fan niya daw ako, mukha ba akong Fan niya? Nagtatanong ako kung saan gymnasium hindi autograph o pa picture! I gaze into him with expressing my face saying I don't care who you are.

"Hindi." Walang emosyon kong sambit, ngumiwi naman siya saakin. "Saan yung gymnasium?" Should I leave and find another person to ask? Mukha kasing mahangin ang isang ito. Sa postura ng pagkakatayo niya at sa sinabi niya kanina kung fan niya ba ako mukha itong bilib sa sarili, tanongin ka ba namang Fan ka niya. Ano siya sa tingin niya, celebrity? Pogi nga siyang talaga kaya siguro ito malakas maka sabi ng Fan niya ako, meron ata itong Fans club katulad ng kuya ko just thinking about the girls idolizing their person who crush with, made me feel chills, handa silang magpaka baliw sa isang lalaking gusto nila na aabot sila sa puntong may posters sila at banners na ginawa. Maiintindihan ko pa kung kinababaliwan nila isang sikat na boyband like BTS.

Guys Do Fall In Love With Gays Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum