Chapter 20.2: Blockbuster (2)

864 58 0
                                    


Yung unit nila parang bahay na!

Sarap titigan bawat sulok ng unit nila, animong mini mansion lang. Habang nililibot ko ang buong loob ng unit nila ay nahagip ng paningin ko tatlong lalaki at isang babae. Yung babae at yung isang lalaki naman ay parang kaedaran lang ni Penny, yung dalawang lalaki naman parang high school na kasingtangkad ko lang..

Nahihiya naman akong napayuko habang nakatingin sa carpet nilang kumikinang. Naririnig ko silang nagusap habang nasa likod lang ako ni Penny nang biglang..

"Who is she?"

Eh? Sinong She? dalawa lang naman babae dito ah? by the way yung mukhang high school na lalaki yung nagsalita..

"Who?" tanong ni Penny. Nakayuko parin ako habang nakikinig sa kanila..

"The person behind you. Duhhhhh, as if there is someone here that i didnt know?" yung mukhang highschool ulit..

Huh?

"Him?" si Penny na tinuro pa ako..

"Him???" sabay na sabi nung dalawang mukhang highschooler..

"Ah- ahahahahaha." tawa ni Penny kaya sinuntok ko siya ng mahina sa likuran niya, napahinto naman siya. He cleared his throat before he said, "He's my friend, Jess. Jess this is Prime *turo niya sa lalaking mukhang school* kapatid ko at si Pelimon *turo niya sa isa pang mukhang high school* kapatid ko rin. The girl and the boy there sa sofa yung nag-la-lam-bi-ngan there are my friends, his Garvon and her is Francheska magjowa naman sila. And the beatiful woman there inside the kitchen is our Mom, she's Ramibel Xariel Maniego. Family ko." pakilala sa family niya. Agad naman akong napatingin sa kanila ng deretso at ngumiti ng malaki.

"H-Hi po! Ako po si Jess B. Persy." at nagvow pa ako..

"He's a gay?" parang gulat pa na tanong ni Prime. Ako naman ay parang nalumo pero parang may pagtataka sa isip ko, hindi niya ba napansin na bakla ako?

"Yes." sambit agad ni Penny na mas lalo pa akong mapayuko..

Plsssssss.. sana naman wag nila ako laitin..

"Cool.." sabay sabay na sabi nung magjowa at ni Prime at Pelimon..

"Eh?!" takang tanong ko na napalakas ko pa!

"Ahahahahahaha.." biglang tawa ni Penny..

Nakitawa naman yung iba sa mga kasama niya. Actually 'di ko alam kung ano yung tinatawa tawa nila? Hindi ko sila gets, baka hindi ko alam pinagtritripan na pala nila ako. Maling ideya na sumama pa ako kay Penny..

Biglang lumabas si ang Mrs. Maniego sa may kitchen kaya sa kanya ako napatingin, "Halika na kayo. Let's eat dinner!" nakangiting yaya niya. Napalingon naman ako kay Penny ng kalibitin niya ako..

"Tara." sabay kaming naglakad ni Penny papuntang dinning at..

"Wowwww.." maligayang sabi ko!!!!!! Wahhhhhhhh!! Magbunyagi mga bulate ko! Makakain na kayo! "Woww.." hindi ko mapigilan ang sarili ko matakam sa mga nakahain sa lamesa! Mukhang ansasarap nila! Kilala ko yung ibang putahe pero yung dalawang dishes don hindi ko alam. Pero ok lang! Kain lang..

"Miss J. upo ka na." nabalik naman ako sa mundong ginagalawan ko at lumingon sa kanya. Doon ko lang napansin na kaming dalawa nalang ang nakatayo kaya agad akong umupo sa tabi ni Penny, nasa kanan ko naman si Pelimon, sa harapang gitna naman si Ms. Maniego, sa harap namin sila Prime Francheska at Garvon.. Abot abotan kami ng kanin na ilalagay sa plate namin, kunti lang kinuha ko kahit gusto kong isang rice cooker ng kanin ang gusto ko kainin dahil sa mga pagkain na nasa harap ko, pero bawal 'di ko 'to teretoryo..

Guys Do Fall In Love With Gays Onde histórias criam vida. Descubra agora