CHAPTER 3

111 3 0
                                    

Chapter 3

"Anong hindi mo sinasadya? Sinadya mo 'yon."

Nasa gitna kami ng field ngayon dahil sa gulo na nangyari na naman. Nanonood rin kami ng badminton practice ni Camille nang may nagsigawan sa kabila kaya agad naming tinungo. Makikita ang mga kaibigan ni Xavier kasama ang ibang mga freshmen students at mukhang may nangyari..

Naglalaro lang naman sila kanina ng soccer tapos biglang may sumigaw na. Galit na galit si Nikko habang pinapagalitan ang mga taong nakayuko ang mga ulo sa harapan nila.

"Hindi po namin sinasadya. Pagtawad po." Pagmamaka awa ng isang binata sa kanya. 

Nakaluhod sila ngayon sa harapan nina Louie at Nikko. Hinanap ng mga mata ko si Xavier at nakita siya sa may bench. Nakaupo at nakahawak sa bandang likuran nito na parang iniinda ang sakit.

"Anong nangyari kay Xavier?" Rinig kong tanong ni Kella sa tabi ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang magsalita ulit si Louie. Silang tatlo lang ang naglalaro dahil wala si Ken.

"Alam niyo namang naglalaro kami, bakit hindi niyo naisip na makakatama kayo ng bola." Kalmadong saad ni Louie ngunit bakas ang inis sa tono at pagmumukha nito.

Si Xavier ay tahimik na nakayuko sa may bench at patuloy na iniinda ang sakit sa likod dahil sa lakas ng pagkatama nito. Sa ngayon, wala pa siyang lakas na parusahan ang mga ito at minabuting umupo na lang muna sa may bench habang patuloy na hinahawakan ang likod nito.

Kilala silang apat na magagaling na manlalaro sa larangan ng soccer. Ito na rin ang naging sports nila sa paaralan na kahit ang mga higher year ay nahihirapang talunin ang year namin sa larong soccer dahil sa kanila.

"Naku, lagot na. Mukhang napalakas ang pagtama sa likod ni Xavier." Salita rin ni Amy.

"Oo nga, kawawa naman siya. Siguradong mapaparusahan ang mga nagkasala." Desididong saad ni Marie.

"Hindi naman sinasadya e." Pagtatanggol ni Camille.

"Mukhang napalakas nga ata ang tama sa likod ni Xavier. Look, iniinda niya pa rin ang sakit." Sabat ulit ni Amy habang nakatingin kay Xavier na binubuhat na ng mga nurse sakay sa wheelchair at agad dinala sa clinic.

"Katatapos palang nung gulo sa canteen nung isang araw tapos ngayon may bago na naman." Iling na sabi ko habang tinitingnan ang palalayong wheelchair sakay sakay si Xavier.

Umiling rin nang husto si Camille na parang nanghihinayang. "Gosh, sira na talaga ang image naming mga Engineering lalo na ako dahil kaklase ko si Xavier." Napasapo siya sa noo dahil sa sinabi.

Umalis na rin ang lahat nung tumunog ang bell. PE ang next subject kaya pupunta kaming Audi para doon. Pagdating sa may bookstore kung saan ang daan papuntang audi ay nakita namin ang mga kaibigan ni Xavier na naghihintay sa kanya.

Nandoon rin si Xavier na nakaupo pa rin sa wheelchair at nakayuko. Hinihintay pa nila ang school doctor dahil naka lock pa ang clinic kasi nga maaga pa talaga. Ewan ko ba kung bakit sila nag lalaro e ang init init naman sa field. Nakipagsisikan naman kami rito dahil kina Amy na gustong makita 'yung mga 'yon. Sumingit talaga siya kaya napunta kami sa may harapan at naririnig ang mga pag uusap nila na napapalibutan ng mga babae sa gitna ng hallway.

"Masakit?" Barumbadong tanong ni Nikko.

"Does it still hurt?" Dagdag ni Louie.

Inangat ni Xavier ang ulo para sagutin sila. Hindi naman kami makikita kasi nasa likod niya kami at hinihintay si Kella na kumuha lang ng damit niya sa room.

Something About UsWhere stories live. Discover now