A STORY TO TELL

144 2 0
                                    

Hey everyone! Allow me to share my story. Please take time to read : D

Kapag bored ang isang tao, syempre kung ano anong pumapasok sa isipin nila. Katulad ng iba na gumugupit pa ng buhok nila, nagpapaikli o naglalagay ng bangs sa gitna. 'Yon ang mga bagay na nagagawa ng isang tao kapag wala na talaga silang maisip na iba. Ngunit sa kabutihang palad, ay pinalad naman po akong hindi maisip ang mga bagay na 'yon hehehe.

Dahil nga nasa kalagitnaan na po tayo ng pandemya ay hindi maaring magbakasyon o gumala sa sobrang delikado na ng panahon ngayon. Nasa bahay lamang ako buong bakasyon at hulaan niyo po kung anong ginawa ko.....nagbabasa lang naman ng mga kwento sa Wattpad!

I was so into historical fiction, and that time, I was reading one of it, as well. Dahil nga puro Wattpad lang ako ay hindi ko na napigilan ang sariling magtanong...."Paano kaya kapag sumulat din ako ng sariling kwento ko?", "Subukan ko rin kayang sumulat o gumawa ng kwento." o "May magbabasa kaya ng kwento ko?"

'Yung sa sobrang wili mo na sa pagbabasa ng Wattpad ay nagkakaroon ka ng mga ganong pag iisip. Hindi ko rin po alam kung anong pumasok sa isipan ko nung mga oras na 'yon at bigla nalang din akong nag desisyon na gumawa. Nakakatawa nga po at ang unang una kong sinulat ay kwentong biglaan lamang.

I don't have my plot, settings, conflicts, and even characters, when I started. Ang lakas pa ng loob kong gumawa ng history fiction e wala manlang akong ginawang research para sa kwento na kahit pamagat nga ay wala rin. Sinimulan ko pong gumawa ng isang kabanata ngunit hindi pa man nakakalahati ay bigla ko nalang 'yon tinapon at binura. Hindi ko po kasi talaga alam ang isusulat at hinahayaan ko nalang ang mga kamay kong gumawa ng kahit ano.

Tinigil ko siya....I stopped because I think I was doing it wrong. Sabi ko sa sarili ko, 'wag na tayong sumulat at magbasa na lang. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ulit, pero habang nagbabasa ka, alam mo 'yung pakiramdam na parang may kulang? Pakiramdam na parang may gusto kang gawin? Gustong gusto mong gawin ang isang bagay ngunit natatakot ka lang na baka hindi mo makayanan. 'Yan ang tanging pumasok sa isipan ko nung mga oras na 'yon.

Kung ilalathala ko ba ang kwento ko, makakaya ko ba kayang tapusin 'yon. Makakaya ko bang hatiin ang oras ko lalo pa't nasa kolehiyo na ako na kung saan mahirap paghati hatiin ang oras sa dami ng mga gawain. Mga katanungang tumatak sa isipan ko dahil gaya nga po ng sabi ko, may mga bagay na gustong gusto mong gawin ngunit nagdadalawang isip ka lamang.

"Walang mawawala kung susubukan."

Wala naman talaga kaya bigla nalang naging desidido na akong gumawa no'n. Sa dinami rami ng mga pagdududa sa sarili ay ito na nga po't nakayanan nating gawin, ang unang kwento ko.

Ang kwentong ito ay nais ko sanang haluan ng konting makasaysayan. Kumuha ako ng lakas na loob galing sa mga nababasa kong makasaysayang kwento dati, ngunit hindi ko pa rin makayanan kung kaya't ang tanging ginawa ko na lamang po, ay bumuo ng isang tauhan na mahilig magbasa ng mga history books.

Syempre unang kwento ko, alam naman natin kung gaano ka sikat ang mga paksang 'bad boy fell in love with good girl', hindi nga lang nerdy si girl pero matalino siya at hilig niya magbasa ng mga makasasayang kwento.

Sinimulan ko siyang gawin, sa memo pa lang po ako noon. Nakapag sulat na ako ng abot labing pitong kabanata (17 chap) pero ni isa ay hindi ko pa na-publish dahil nga hindi ko po alam kung paano ang proseso na ginagawa kapag naglalathala ng kwento sa Wattpad. Pansin niyo rin po na ang daming mga pagkakamali, makalat, at nakakalito siya (pero nagrere-edit pa po ako sa kasalukuyan) dahil nga po biglaan lang din at wala akong maayos na pagpaplano, basta ma-publish lang 'to, okay na! Hehehehe.

Nagpaturo po ako kung paano at nung nalaman ko po ay isa isa ko nang nilathala bawat kabanata ng unang istorya ko. Masaya at sobrang tuwa at galak ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Pakiramdam na isa isa mo nang binabahagi sa lahat ang kwentong itong pinaghirapang gawin.

Sunod sunod akong nag publish ngunit sa kasamaang palad ay isang pagkakamali ang nagawa ko na naging dahilan ng pagsuko ko muli sa pangalawang pagkakataon. Napaisip na ako no'n, hindi nga talaga 'to akin. Hindi ko po alam kung anong nagawa ko pero nagkapalit palit po ang mga kabanata ng kwento. Ilang beses ko siyang inayos pero gano'n pa rin ang kinalabasan niya. Kinakabahan na ako nung mga oras na 'yon at naisip kong masasayang lahat ng nagawa ko kapag hindi pa rin 'to tumigil.
'Yung pakiramdam na nagsisimula ka palang, ngunit hinahatak ka na pababa.

Inayos ko siya hanggang sa umabot sa punto na lahat ay binura ko na rin. Ilang araw ang lumipas nung magtanong tanong ako sa mga kakilala ko, sabi nila gawin ko raw 'to, ganyan, gano'n. Ang sagot ko naman sa kanila, ayoko na, huli ko na nang nalaman ko ang mga dapat gawin. Hindi ko nalang ipagpapatuloy kasi natatakot akong magkamali ulit.......pero hindi ako nakontento. 

Gustong gusto kong gawin ang bagay na 'to at gagawin ko ang lahat nang makakaya para maayos ito. Sumubok po ako ulit at inayos na ito. Iningat ingatan ko po ang paglathala sa bawat kabanata ng aking unang kwento hanggang sa unti unti na nga itong napupunan at nabubuo. Nung na-publish na po siya, akala ko tapos na ang laban, hindi pa pala.

Wala pong nagbabasa ang istorya ko noon dahil nga baguhan palang ako, pero hindi ko tinigil. Ang dami ko nang napagdaan para mabuo ang unang istorya ko, saka pa ba ako bibitiw? Hehehehe. Nagpatuloy pa rin ako sa paggawa ng mga susunod na kabanata kahit walang nagbabasa. Hindi ko po alam kung kailan pero sa tinagal tagal na paghihintay, sa wakas, mayroon na rin. Kahit isa o dalawa lang 'yan, magpatuloy po tayo.

Kinwento ko po ito kasi natutuwa lang ako sa sarili ko. Ang dami kong pinagdaanan at ilang beses nang sumuko, pero nagpatuloy pa rin. Kaya naman sa ngayon, mayroon na po tayong tatlong kwentong nagawa, yeeey! Kasalukuyan ko pang tinatapos ang pangatlo at ang una't pangalawa ay inaayos ko rin po.

Writing is never easy, but if you have the courage to do, make it. If you have a story to tell, share it. It will be all worth it in the end!

SKL PO! HEHEHEHEHE

@tamestnaive

Vote. Comment. Follow.

KAYO PO, ANONG KWENTO NIYO?

Something About UsWhere stories live. Discover now