PURPOSE

249 13 3
                                    

Oo. Alam ko. Iniisip mo na masyado naman atang marahas ang pamagat ng librong 'to. Nakaka-hurt ng feelings. Parang walang modo author nito.

Bago ka mag-reklamo d'yan. Mag-isip ka muna. Kung ang pamagat ng librong 'to ay "Mga Pangaral sa Buhay ni Ellie!" babasahin mo ba? Pagaaksayahan mo ba ng panahon 'to kung 'yan ang mga katagang nakasaad sa cover page?

Tanggapin na natin ang masaklap na katotohanan na matigas ang ulo mo at walang epekto ang mabait na pamamaraan na pakikipag-usap sa'yo.

'Wag kang tanga! Kung sa tingin mo tra-tratuhin ka ng maayos ng mundo dahil sa tingin mo mabuti kang tao? Nagkakamali ka. Walang madali sa buhay na 'to. The world out there is a lot harsher than you think. Ngayon pa lang maigi nang praktisado ka na sa malupit na katotohanan ng buhay. 'Wag kang tanga!

Hindi ako eksperto. Hindi ako bilyonaryo o isang successful businessman. Kagaya mo, isa lamang ako sa bilyon-bilyong nilalang sa mundong 'to na gustong malaman kung pa'no mabuhay at mag-survive sa mundong 'to.

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na kausapin at pangaralan ang sarili ko nung 18 years old pa lang ako, ang unang-una kong sasabihin sa sarili ko ay: "'WAG KANG TANGA!"

Gusto ko lang ipunin ang lahat ng mga life experiences ko sa librong ito. Sky's the limit ang topic na paguusapan natin dito. At times, I would present perplexing questions and controversial topics pertaining to religion, culture, politics, sexuality, etc. Basically, I (we) will be discussing contentious subjects that some people might considered as taboo.

Basta lahat-lahat paguusapan natin! 'Wag matigas ang ulo! Feel free to leave a comment or PM me kung anong topic 'yung interesting para sa'yo.

The purpose of this book is probably ambitious. I want to share valuable life lessons, at the same time, I want meaningful, and purposeful conversations.

Disclaimer: Hindi isang dalubhasa ang sumulat ng librong ito. Lahat ng mababasa mo dito ay hango mula sa opinyon, obserbasyon, at sariling karanasan ng manunulat.

WAG KANG TANGA! (WKT)Where stories live. Discover now