Pagkuha ng loob

8 1 0
                                    

Natulala ako sa sinambit ng ginoo sa aking ama at ina. Ang reaksyon nila'y tulala at kaunting nakaawang ang mga bibig tila hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

Hindi ko naman masisisi ang mga ito dahil kakauwi ko lamang galing Santorini at may dala pa akong isang ginoo na hindi pa nakikilala ng aking magulang pagkatapos sasabihin nitong isa ko siyang manliligaw.

"Seryoso ba iyan, anak?" Nakatatakot na tanong mula sa aking ama.

"Ah...Eh..." Hindi ako makapagsalita! Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa magulang ko.

"Seryoso po ako," muling sabat ng ginoo sa usapan. Hinila ko ang laylayan ng kaniyang damit na parang batang nagmamakaawang itikom ang kaniyang bibig.

Ramdam ko na ang matalim na pagtitig ni ama sa direksyon naming dalawa.

"Maupo muna tayong lahat," saad ni ama habang seryoso ang tono ng kaniyang boses.

Ginawa namin ang kaniyang sinabi. Halos mamula na ang pisngi ko sa kahihiyan. Ni hindi ko rin sinubukan na tignan sila ina at ama sa kanilang mga mata.

"Iisang anak lamang namin si Janella at ang inyong panliligaw sa syudad ay naiiba rito sa aming Isla," sabi ni ama sa kaniya.

Sinabi ni ama ang mga dapat niyang gawin. Sa pagkakataon na rin na iyon sinabi ko na ang ang nangyari sa akin sa loob ng Santorini. Nagulat rin sila ama sa aking nalaman at inamin na rin nila sa akin ang totoo.

Matagal ko naman na itong tanggap kaya't wala naman akong galit sa kanila bagkus ay nagpapasalamat pa nga ako't kinupkop at inalagaan nila ako kahit wala akong dugo nilang nananalaytay sa akin.

Kinabukasan, gaya ng dati ganoong oras muli akong nagising. Wala na si ama pati si Travis sa kanilang kuwarto. Marahil sumama ang ginoo sa pangingisda ni ama. Sigurado akong mananakit ang ilang bahagi ng katawan niya dahil hindi naman ito sanay sa mabibigat na gawain ng lalaki dito sa Isla Verde.

"Mukhang desidido talaga ang iyong manliligaw. Biruin mo, nauna pa sa iyong ama magising upang samahan ito sa pangingisda," nakangisi ang ina sa kaniyang nalaman.

"Ina." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

Nag-umagahan muna ako bago ako mag dilig ng halaman. Ganoon din siguro sila ama bago lumisan ng balay.

Inasikaso ko na ang mga halaman ko pagkatapos pumasok na ulit ako sa loob ng bahay para mag-asikaso ng pagkain para sa tanghalian.

Saktong kakatapos ko pa lamang na nagluto ng pangtangahalian nang makauwi na ang dalawa galing sa pangingisda. Mukhang nakarami sila ng huli ng isda ngayon.

Kahit halata sa mukha nitong pagod siya nagawa niya pa rin akong bigyan ng ngiti.

"Halina't kumain na tayo. Pupunta pa ako ng palengke upanh ibenta ang mga nahuli." Madali kong nilapag ang pagkain sa lamesa at mga pinggan na gagamitin.

"Travis, samahan ko lang muna ako papunta ng bayan para buhatin ang mga isda pagkatapos bumalik ka rito sa balay para magsibak ng kahoy," utos niya rito. Hindi kaya't sumubra na kami sa kaniya?

"Masusunod po!" Tugon niya.

Mabilis silang natapos kumain at naiwan na kami ni ina sa hapag. Maya-maya rin ay aalis na rin ito para sa kaniyang trabaho.

"Ina, hindi kaya't sumusobra na tayo sa pag papakilos kay Travis?" Tanong ko rito habang nagliligpit ako ng aming pinagkainan.

"Nakita mo ba sa mukha ni Travis na nasosobrahan na siya sa mga utos ng iyong ama?" Napaisip ako sa sinabi nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sunset in SantoriniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon