Bilanggo ng Nakaraan

22 4 17
                                    

Narito ako sa aking silid, tulala sa bintana habang pinagmamasdan ang bukang liwayway at ang kalupaang tinatamaan ng sinag nito. Napakaganda ng nilikha ng Diyos para sa mga tao. Tahimik ang namamayani sa loob ng aking silid at bawat sandali ay lungkot ang nadarama. 

Habang abala ako sa pagtanaw mula sa labas, isang nakapambubulabog na katok ang sumira sa kapayapaan ng katahimikan. Lumapit ako sa pintuan upang malaman kung sino ang kumatok. Nang malaman kong si August lamang pala ito'y wala gana akong bumalik sa aking kama at tamad na humiga.

May bitbit siyang tray ng pagkain. Nang malanghap ko ang amoy nito agad na kumalam ang aking sikmura, senyales na kailangan ko nang kumain. 

"Kumain ka na muna," sambit nito matapos ilapag sa maliit na lamesa ang pagkain.

"Ilapag mo lamang iyan diyan. Kakain na rin ako maya-maya," sabi ko ngunit ang aking paningin ay nananatili sa kisame.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya dahilan para ako'y mapalingon sa direksyon niya. Ngumiti ito sa akin, kitang-kita ko ang galak sa kaniyang mukha. Marahil ang dahilan niyon ay ako, masaya siyang nakasama na niya ang kaniyang bunsong kapatid na matagal na nawala. Lumapit ito sa akin at umupo sa kabilang side ng kama.

"Can I request a hug from my sister?" Pagbakasali niya.

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Lumapit ako ng kaunti sa kaniya at binigyan siya ng yakap. Kahit na hindi ko sila ganoon pa kasundo dahil ikinulong nila ako, kuya at pamilya ko pa rin sila. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan at muling bumalik. Nagulat ako nang yumakap ito pabalik at sobrang higpit na halos dumukdok na ito sa aking leeg. Nakaramdam din ako ng patak ng tubig sa balikat ko.

"Thank you," mahinang hikbi nito sa balikat ko.

Naramdaman ko ang kaunting kurot sa puso ko nang marinig ko ang halos mapiyok niyang boses. Maya-maya pa'y humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at kaunting kinusot ang mata. Halata ang pagkamula sa gilid ng kaniyang mata dahil sa kaputian nito, gayon pa ma'y hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.

"W-Wala iyon, kuya," saad ko pa.

"You seemed very distant to us. You're not coming out to your room," sabi niya.

"It was just..." huminga ako ng malalim, "I want to get out of here," pagpapatuloy ko sa sinabi ko.

Marahang pumikit ang mata nito. Alam ko na agad ang ibigsabihin ng mga iyon. Kumurba ang labi niya pababa, tila ipinaparating niyon na wala siyang magagawa sa hiling ko.

"I know," malungkot na saad ko.

"We're preventing you from danger. Morgans are not type of family you want to engage with," aniya.

Hinagod niya ang aking buhok bago siya tuluyang lumabas ng aking kuwarto. Tinignan ko ang masarap na pagkaing umaakit sa aking lalamunan at sinumulang pakainin ang aking sarili. Anong kailangan kong gawin? Anong unang hakbang ang aking gagawin?

Para akong isang bilanggo ng nakaraan, kung saan wala naman akong kaalaman ukol dito. Umibig ako sa ginoong itinuturing na kaaway ng tunay kong pamilya. Ngunit hindi ko kayang basta pigilan ang aking nararamdaman 'pagkat nabuo na ito sa simula pa lamang. Iniisip ko lamang ang galit ng aking pamilya sa ginawang pagtatangkang pag-angkin ng kalupaan ng Santorini, ang kanilang ginawa sa aking pamila ay siyang tunay na walang kapatawaran ngunit kung makakaisip lamang ako ng paraan upang magkaayos ang dalawang panig.

Matapos kong kumain, iyon pa rin ang sumasakop sa aking isipan. Lumabas ako ng kuwarto upang ilagay sa lababo ang pinagkainan ko at para ito'y hugasan na rin. Ayoko na sigurong mang-abala pa ng mga katulong dahil lamang sa iilang pinggan na aking ginamit. Isa pa nakababagot na rin ang palaging nakakulong sa aking silid maging dito sa bahay na ito.

The Sunset in SantoriniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon