Tutor

25 9 8
                                    

Sobrang lakas ng pintig ng aking puso marahil sa parehong kaba at malamang  sa katotohanang makakasama ko ang ginoo sa klaseng ito. Kanina pa hindi mapalagay ang aking loob dahil sa kakaibang tensyong aking nararamdaman. Hindi ako sanay na makisalamuha sa mga taong hindi ko kauri.

"May I have your attention," kinalampag saglit ng guro ang kaniyang kamay sa kahoy nitong lamesa. "Please do welcome your new classmate in our class." pagpapatuloy nito sa kaniyang sinabi nang makinig na ang lahat sa kaniya.

"Ms. Janella Cruz, would you mind introducing yourself in class?" Napakagat ako sa aking labi dahil natulala lamang ako sa kaniyang sinalaysay. Ang tangi ko lamang naintindihan ay ang matawag niya ang aking ngalan.

Tumayo ako, "Ginang, paumanhin ngunit ang inyong binigkas na lengguwahe ay bago pa lamang sa akin. Kung inyong mamarapatin maari ko po bang malaman ang inyong isinalaysay ngunit sa lengguwaheng aking ginagamit upang lubos kong maintindihan ang inyong sinambit?"

"Kung gayon ikaw marahil ang tinutukoy sa usap-usapan dito sa buong kampo na isang 'Island girl' o ang dalagang mula sa isang Isla," aniya.

"Hindi ko inaasahan na maganda rin ang mga katulad nilang naninirahan roon, hindi mo aakalain na isa siyang taga Isla." bulong ng aming guro na hindi ko o kahit namin maririnig.

"Ako nga ho iyon ginang." paninigurado ko sa kaniya.

"Kung ganoon, maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili sa harap ng iyong mga kamag-aral?"

Dahan-dahan akong humarap sa bente singkong bilang ng aking mga kamag-aral. Magkadikit ang mga kamay ko at binuka ang aking bibig upang magsalita.

"Ako nga pala si Janella Cruz mula sa Isla Verde. Ikinatutuwa kong makilala kayong lahat." pagkatapos kong sabihin 'yon ay ngumiti ako at umupo na sa aking upuan.

"Before anything else, Travis, I want you to be the one who'll teach Janella in English. So, she could understand the rest of the subjects except Filipino." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya ngunit nang marinig ko ang pangalan ko at ni Travis alam kong hindi maganda ang gustong mangyari ng aming guro.

"Why me? There could be other than me who can teach her like Lizelle."

"You're passing me the task that has given to you, Travis?" biglang sabi ni Lizelle sa tabi ko.

"I chose you Travis so you do the task without complaining. Can I trust you with this? Besides I can foresee that she can learn quickly if you're the one who will tutor her." Dumukdok ang kaniyang mukha sa lamesa. Marahil sa sinabi ng aming guro na hindi niya nagustuhan.

"Okay, simulan na natin ang diskusyon." Nagsimula na siyang magsulat sa pisara.

Ngunit ngayon ay wala pa akong maintindihan sa mga sinasabi nila 'pagkat ang asignatura'y may koneksyon sa Ingles. Hindi ko na lamang iyon pinansin at sinubukan na intindihin ang kaniyang ibig sabihin sa bawat salitang kaniyang binibitawan upang maintindihan ko kahit papaano ang asignatura.

Isunusulat ko ang bawat inilalagay niyang salita sa pisara at minsang nagtatanong kay Lizelle para maintindihan ko rin. Mabuti na lamang ay nasasagot niya pa ako kahit na siya rin ay nasagot sa kaniyang kuwaderno.

Kailangan ko na talagang matuto ng Ingles nang sa gayon ay lubusan ko ng maintindihan ang kanilang lengguwahe at upang hindi na rin ako mahirapan makipag-usap sa ibang tao. Natapos rin ang dalawang asignaturang itinuro ngayong umaga. Pinahintulutan na kami ng mga guro para kumain. Habang lumalandas ang aming paa patungo sa kantina ipinaliwanag sa akin ni Lizelle ang naging usapan sa pagitan ni Travis at ng aming guro.

"Paumanhin binibini kung ako'y nakakabaistorbo sa iyo kanina," sabi ko kay Lizelle habang kami ay naglalakad papunta sa mga nagbebenta ng pagkain.

The Sunset in SantoriniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon