SF Chapter 24: Christmas Party

Mulai dari awal
                                    

Nag-ayos na kami ng table namin at nilatag ang dala naming pagkain.


Habang nag-preprepare ng handa may kumakalabit sakin.

Pagtingin ko si Amethyst at Sofia "anjan si Chris, girl" sabi nila

"ano ngayon?" walang ganang sagot ko habang inaayos ang paper plates.

"ay? oo nga pala, wala ka ng feelings for him" sabay cross arms ni Amethyst

"yeah, so anong gagawin mo Viv, walang pansinan? o kakausapin mo siya.... paminsan minsan?" Sofia

Hmmm,

"hmm, kakausapin na kaklase lang, hindi yung katulad natin parating nag-uusap kasi magkakaibigan tayo"

"oohh, okay" Sofia




Pagkatapos ng pag-aayos sa table namin umupo na kaming pito, and guess what kung sinong katabi ko?





Si





Christofer Dylan Pineda lang naman.


"my gosh girl! Pinagtatagpo talaga kayo ni Destiny" mahinang sabi ni Amethyst

"ano ka ba! Hindi noh" inis na sabi ko.

"so, walang hi, hello jan?"

"hm, pwede rin"

"sige go"

Tumingin ako sa kanya "Hi" sabay ngiti ko

"Hello" ngumiti rin siya

Pagkasabi niya nun, binaling ko ang atensyon ko sa stage.

May nagsalita naman "sorry talaga sa nangyari noon Viv"

Pagtingin ko si Chris pala.

Ngumiti ako "wala yun, ano ka ba, mag-move on ka na sa nangyari Christofer" sabi ko, pagkasabi ko ng buong pangalan niya bigla siyang nalungkot.

Bakit kaya?

Hmmm ....

"Viv, bakit Christofer ang tawag mo sakin? Di ba Chris dapat?"

Tumingin ako ulit sa kanya "Christofer naman talaga ang pangalan mo di ba? Tsaka sabi nila yang Chris, tawag daw yan sayo ng mga ex mo, so bakit kita tatawaging Chris? naging ex mo ba ako? Di naman di ba? At kahit kailan hindi mo ako magiging ex" sabay ngiti ko at binaling sa stage ang atensyon ko.

Ay? Masyado bang masakit ang sinabi ko?

Sorry naman napasobra na naman ang pagsalita ko.

"grabe ka naman girl, talagang sinabi mong kahit kailan hindi ka niya magiging ex? gosh! ang sakit kaya nun" Amethyst

"ay? ganon ba? sorry naman"

"sa kanya ka magsorry noh, hindi sakin"

"hmp! fine"

Tumingin ako kay Chris at sinabing "sorry sa sinabi ko ha." sabay ngiti ko.

Ngumiti siya "okay lang"

Ngumiti lang kami sa isa't isa.






Maya-maya lang nag-announce na yung emcee na 'dinner time na'.

So lumapit na kami sa mesa, at kumuha ng paper plate at platic spoon & fork, tsaka kumuha ng pagkain.



"habang kumakain kayo jan, may isang magpeperform dito, inaalay niya daw ito sa taong mahal na mahal pa niya  hanggang ngayon" emcee

Single Forever? [JaDine FanFic]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang