Kabanata 41

4.6K 135 0
                                    

Clyde

Hello everyone alam kong namiss niyo ko haha.

Anyway andito nga pala ako sa sala nakikipag usap kina lolo at lola.

Kinukulit kasi nila ako dahil iba daw ang ngiti ko ngayon.

Paanong hindi mag-iiba inlove eh.

-_- extrang utak

"Anak may naghahanap sayo sa labas" napatayo naman ako sa sinabi ni nanay.

Tinignan ko sina lolo na ngayon ay may kakaibang ngiting ibinibigay sakin.

"Sino daw po nay?" Nagkibit balikat lang siya pero iba din ang ngiti niya.

And weird

Kaya para malaman ko na kung sino ang bisita ko ay lumabas nako ng bahay.

Nagulat ako ng makita ko si basha na nakasandal sa hood ng kotse niya habang nakashades at may dalang bulaklak.

Nasabi ko naba na ang sexy niya sa suot niya ngayon.

Nakawhite polo blouse siya at naka shorts na denim na tinack in nan niya pa.

Kaporma niya ang twice^_^

Parang gusto ko nalang siyang itago sa kwarto ko at baka makaakit pa siya ng iba.

"Love" ngiting bati niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunwaring taray ko.

Ngumiti lang siya.

Ugh!bakit ba palaging nakangiti ang babaeng to.

"Bawal na bang bisitahin ang mahal ko?" Inirapan ko siya.

"For you" sabay abot niya ng bulaklak.

Sus kinikilig ka naman pabebe masyado

Che!

Kinuha ko nalang ang bulaklak na animoy napilitan lang ako pero ang totoo ay hindi naman.

"So ahm.nagustuhan mo ba?" Kamot batok niyang tanong.

"May magagawa kaba kung hindi ang sagot ko"

"Ang taray mo naman love. Opo may magagawa ako basta para sayo gagawin ko lahat kahit impossible"

"Tss.lahat naman kayo ganyan sinasabi" napatayo naman siya sa pagkakaupo sa hood ng kotse niya.

Napakunot ang noo niya.

"Anong lahat kami ganon ang sinasabi wag mong sabihing nagpaligaw ka sa iba?"

"Ano naman kung oo" pagtataray ko.

Bigla itong nagpapadyak na parang batang inagawan ng candy cute

"Love naman eh! Akala ko ba ako lang love mo*pout*"

Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero dipa pwde.

Ang cute kaya niyang maasar haha.

"Sinong nag sabi aber?" Lalung humaba ang nguso niya.

Shocks ang sarap halikan ng mga labing yan opss diko sinabi yon

"Pssh.uwi na nga ako" pagtatampo niya.

Pumasok siya ng kotse na akala ko ay nagbibiro lang siya na aalis siya.

Humarang ako sa harapan ng kotse niya.

"Tumabi ka diyan uuwi nako" parang bata niya paring sabi.

"Eh kung ayoko?"

"Edi sasagasaan kita bwisit!"

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now