Bash
Hindi ko maiwasang matawa sa nakikita ko ngayon.
Pababa na si negneg dito sa talon pero suot parin niya ang damit niya *smirk* siguro nahihiya siya sakin.
Sabagay sino ba naman ang hindi mahihiya sa magandang tulad ko *smirk*
"Bilis! Napaka kupad mo!"
"Oo na nga ito na diba!"
Hindi ko na napigilan at bumulahaw nako ng tawa.
Halatang halata ko ang kaba sa boses niya maging ang pagkailang.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang isinama kung pumunta dito gayong pwde ko namang isama si monique pero ayos narin na siya ang napili ko dahil mas nagiging exciting ang mga nangyayari.
"Tss.seriously maliligo ka ng ganyan?"
"Bakit? May problema ba sa suot ko?"
Napangisi ako.
Ngayon lang ako nakakita na maliligo sa talon na nakadamit at shorts pa-_-
Duhh super jologs naman nito ang akala mo naman napakaganda ng katawan kaya ayaw ipakita sakin.
"Sa susunod na maligo ka sa ganitong lugar subukan mong mag gown" sarcastic kong sabi.
"Huh?bakit naman ako mag ggown?diba mabigat yon kapag nabasa?"
Seryoso ba siya o iniinis niya nanaman ako sa pagsagot niya.
Kaya para maiwasan ko nalamang ang mastress ay sumisid nalang ako sa ilalim ng tubig.
Bahala siya.
Nakakatuyo siya ng utak.
"Ugh!"
"Hala senorita ayos kalang ba?" Hayag niya ng mapasigaw ako.
Hindi ako nakasagot dahil ramdam ko ang sakit ng binti ko na parang may kumagat dito na kung ano.
Pinilit kong tumungo sa gilid ng bato at doon umupo.
Ang sakit..
"Patingin ako" hayag niya ngunit iwinaksi ko lamang ang binti ko rito.
Inikutan niyako ng mata.
"Pwde bang isantabi muna natin ang alitan nating dalawa at baka kung ano nayang nangyari sa binti mo"
*sigh*
"K fine"
Tinuwid ko ang binti ko at pinagmasdan niya naman ito ng mabuti.
Namboboso na ata ang isang to.
"Saan banda ang masakit?" Tinuro ko naman ang hita ko sa kaliwang paa.
Nagulat ako ng hawakan niya ang binti ko.
Kasing lamig ng yelo ang pagdampi ng kamay niya sa binti ko.
"Masakit ba?" Umiling ako.
Hindi sakit ang naramdaman ko ng hawakan niyako pero alam kung may kakaiba dito.
"Mukang napulikat ang binti mo seniorita" napataas kilay ko.
"Pano mo naman nasabi aber?"
"Karaniwan kasing nangyayari yan sa mga taong lumalangoy dito lalu na at maraming bato ang nasa ibaba nitong tubig kaya sigurado ako na pinulikat ka. Ngunit wag kang mag-alala seniorita dahil marunong akong mag masahe kaya maswerte ka^_^"
"Ano namang swerte don?" Mataray kong hayag ngunit nginitian lang ako ng timang.
Maswerte daw ako gayong pinulikat na nga ang paa ko. Tss ano kayang swerte ang meron sa bagay nayon.
YOU ARE READING
Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)
General FictionSa dinami rami ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Isang taong walang ginawa kundi pasakitin lang ang ulo ko Pero anong magagawa ko kung ganito na talaga ang tinitibok ng pahamak kong puso Wala nakong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na nah...