Kabanata 6

5.9K 216 17
                                    

Clay

Halos kakatapos lang ng klase ko ngayong araw. Kasabay kong naglalakad ang classmate ko/ bestfriend/partner sa lahat ng project basta lahat lahat na.

Pauwi na kami ng bahay ng bigla nalang may pumaradang sasakyan sa harapan namin.

Tss.mayabang talaga ang isang ito.

"Sino yan babe kilala mo?" Tanong nito.

"Hindi" flat na sagot ko kahit ang totoo ay kilala ko naman talaga kung sino ang impaktang may ari ng kotseng ito.

"Tara na babe" aya nito sakin tumango ako dito at nag simula na kaming muling maglakad.

Ang ganda ganda ng araw ko tapos bigla bigla nalang siyang susulpot.

Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niya sakin.

Neknek niya dahil hindi ko siya papansinin kahit na mag tambling tambling pa siya sa harapan ko ng walang short.

Lah bakit ko ba sinabi ang bagay nayon?. Napaka halay naman non.

"Hala babe sinusundan yata tayo nung kotse"

"Hayaan mo lang baka same road lang tayo ng dinadaanan"

"Eh parang sinusundan talaga tayo babe" napakapit siya sa braso ko ng sobrang higpit at nagsumiksik na sakin.

"Wag kang oa hindi ka maganda para sundan niyang tao sa kotse haha" kinurot niya ako sa may tagiliran kaya napalayo ako sakanya ng konti.

"Napaka sadista mo naman"

"Che!" Irap niya.

Nagpatuloy nalang kaming dalawa sa paglalakad at pansin kong sinusundan nga kami ng bwisit na may ari ng kotseng to.

Napaayos niya na pala ang gulong niya. Kaya naman pala buhay gala nanaman ang bruha.

"Pano babe dito nako ah, ingat ka sa pag-uwi" turan nito ng maihatid ko na siya sa bahay nila.

"Sige ingat bukas nalang ulit" nakipag beso muna ako rito bago tuluyang lumabas ng maliit nilang bakuran.

Tahimik lang akong naglalakad pauwi ng bahay ng may bumusina sakin ng pagkalakas lakas.

Potek muntik pa kong mapatalon sa ginawa niya.

"Hey kanina pa kita sinusundan" turan ng taong nasa loob ng kotse.

"Bakit sinabi ko bang sundan moko?" Pagtataray ko rito.

"Hindi at wala naman akong planong sundan ka kung wala akong kailangan sayo" napairap naman ako.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Mataray kong tanong.

"Well as my lolo said ikaw ang makakasama ko sa paglilibot dito kaya gawin muna ang papel mo dahil naiinip nako sa bahay"

Tss..yun lang pala ang ipinunta niya ang akala ko pa naman namiss niya ko.

Ano daw namiss?timang lang te?bakit ka naman mamimiss ng babaeng yan?

Gezz nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko ang sarili ko at kung ano ano pa ang sinasabi ko.

"Hey stupid" napantig nama ang tenga ko sa pagtawag niya sakin ng stupid.

Nakakainit talaga ng dugo ang isang ito.

"Ano!" Sigaw ko na ikinabigla niya.

"Are you shouting at me!" Sigaw nito pabalik.

"Oo may angal kaba!"

Akala niya uurungan ko siya ha.

"Gusto mo bang isumbong kita sa lolo ko ha?"

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now