Kabanata 13

4.9K 208 6
                                    

Clay

Patuloy lang ako sa pagsayaw dito sa gitna ng maraming tao.

Ayoko naman talagang gawin ang bagay nato pero napilitan lang ako dahil ayokong magalit ulit siya sakin.

Haist bakit kasi dinamay mo pa ang boyfriend niya ayan tuloy parang timang kang sumasayaw dito.

Patuloy lang ako sa pagsayaw ng apologize by one republic mabuti nalang at marunong akong sumayaw kaya hindi ako masyadong napapahiya dito.

Nainis lang naman kasi ako ng malaman ko na may boyfriend na pala siya.

Hindi korin alam kung bakit ako nakaramdam ng pagkirot sa dibdib ko ng marinig kong mag boyfriend na siya.

Like duhh hindi naman kami close at palagi pa kaming nag-aaway.

Siguro dahil nilibre niya ako ng makakain kaya naisip ko na okay kaming dalawa at wala ng sisingit pa na iba.

Teka ano daw?sisingit? Bakit ano bang meron saming dalawa?.

Nagulat ako ng may biglang humila sakin palayo sa mga nanonood ng makita ko kung sino ito ay nagpatangay nalang ako.

Aray naman halos maputol na ang braso ko sa paghila niya sakin.

Tumigil siya sa paghila sakin at binitawan na ang kamay ko.

Tinignan ko kung nasan na kami at nakita ko na nasa harap pala kami ng isang bar.

May bukas na palang bar kahit tanghali palang ang akala ko kasi pang gabi lang to.

Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong lugar dahil umiikot lang ang mundo ko sa hacienda at skwela.

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim masyado yatang napagod ang puso ko sa ginawa niyang paghila sakin.

"Bakit dito tayo timigil?" Takang tanong ko rito.

"Kasi gusto ko, angal ka?" Umiling naman ako.

Kakaayos lang nga namin tapos makikipag bangayan nanaman siya.

"Teka bakit mo pala ako hinila?at yung phone mo nakuha mo ba?"

"Tss.oo at wala kana don" pumasok siya sa bar kaya nagtaka ako kung anong gagawin niya don.

"Ano tutunganga ka nalang ba diyan" mataray niyang sabi.

Sumunod nalang ako sakanya unang tapak ko palang sa bar ay amoy na amoy kona agad ang sari saring amoy ng tao,alcohol at sigarilyo.

Ang sakit sa ilong parang aatakihin yata ako dito.

Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang damit na suot ko para maiwasang malanghap ang mabahong amoy na umiikot dito sa bar.

"One tequila" agad naman siyang binigyan ng bartender ng alcohol na sinabi niya at nilagok ito.

Hala parang tubig lang sakanya ang ininom niya.

Umupo ako sa tabi nito tinanong pako ng bartender kung ano ang akin pero umiling lang ako.

Hindi ako umiinom at lalung wala akong perang pambayad.

"Uyy hinay hinay naman magmamaneho kapa" pigil ko rito ng makadalawa na siya.

"Tss..wala kang paki-alam"

Nakaramdam nanaman ako ng inis sa inaakto niya kaya hinayaan ko na siya.

Wala daw akong paki-alam eh, edi wala.

Bahala siyang malasing diyan may natitira pa naman akong pera pamasahe ko para makauwi ako sa bahay.

Bahala na siya kapag nalasing siya dahil iiwan ko talaga siya dito.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu