Kabanata 35

4.4K 145 3
                                    

Basha

Super excited nakong makita ang love ko. At ngayon ay susunduin ko na siya sa school dahil may promise akong date sakanya na gagawin namin ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa.

Maliban nalang don sa iniisip niyo ah. Mga green kayo alam ko eh.

Anyway kung naalala niyo kagabi ay halos lamunin nako ng lupa dahil kabi kabilang tanong ang ibinigay sakin ng mga magulang ni love.

Tinanong nila kung bakit ko siya tinawag na love.

Ang akala ko hindi nila maririnig ang bulong ko pero ang lakas pala ng pandinig nila kaya napaamin ako sa kung anong meron samin ng anak nila.

Oo inamin ko na kami na ni love.

Halos umusok nga ang tenga at ilong nila sa galit at kung ano anong pagbabanta pa ang sinabi nila sakin pero hindi ako nagpadaig.

Mas malakas ang loob ko dahil ang taong mahal ko na ang pinag-uusapan kaya sinigurado ko sakanila na hindi ako gagawa ng paraan para masaktan ang anak nila.

Nakarating na nga pala ako sa harapan ng school nila at hindi narin ako bumaba dahil katext ko narin naman siya.

Gumawa na ng paraan si otor para makuha ko ang number ng love ko.

"Kanina kapa ba?"

Automatic naman akong napangiti ng makapasok na siya sa kotse.

"Hindi po kakarating ko lang din" tumango siya at isinuot ang seatbelt niya.

Pinilit kong ifocus ang paningin ko sa daan kahit sa loob loob ko ay gusto ko na siyang titigan ng matagal.

Naadik na yata ako sakanya ng sobra at kung sakaling mawawala siya ay baka ikamatay ko.

"Sa daan ang tingin wag sakin"

"Lah di naman ah" maang maangan ko.

"Tss.huling huli na nga nagpapalusot pa"

Kinuha ko naman ang isang kamay niya at hinalikan ito.

Sweet>_<¦¦¦

Ako kinikilig sa ginagawa ko eh haha.

Napatingin siya sakin at nakakunot ang noo niya.

"Bakit ganyan tingin mo love ko?"

Binawi niya ang kamay niya.

Lah break up naba susunod nito?

Wag naman sana:(

"Mag drive ka muna pwde? Mamaya nalang yang kaharutan mo nayan at baka mapano pa tayo"

Q_Q

"Dimo nabako mahal?" Pageemote ko.

Sakanya lang ako naging ganito dahil kahit kay troy ay hindi ako naging pabebe o ano paman.

"Bashang tigil tigilan moko sa kakaemote mong yan kung hindi baba talaga ako sa kotse"

Ay hala nagbanta.

"Sabi ko nga po mamaya nalang"

Nakapout akong nagdrive at hindi na nagsalita.

Kakainis! Akala ko pa naman susuyuin niya ko.

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng makarating na kami sa water park

Hindi parin maalis ang pout sa labi ko dahil nagtatampo parin ako sakanya.

"Tss.arte"

Nagulat ako ng halikan niyako sa labi kaya mabilis akong napalinga.

Baka may makakita samin nakakahiya.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now