Kabanata 21

4.9K 181 9
                                    

Clay

Nandito ako ngayon sa hacienda. Tumutulong ako sa mga naghaharvest ng mga tanim. Iba iba ang mga prutas at gulay na tanim namin at hindi din naman kami ganoon karami kaya naisipan ko naring tumulong at kasama konga rin pala si divina na ngayon ay nasa itaas ng puno at namimitas ng mga mangga.

"Babe salo!" Mabilis naman akong naalerto at sinalo ang binato niya.

"Divina naman pwde bang tawagin mo muna ako bago mo ihagis!" Sigaw ko mula sa ibaba.

"Sorry babe nakalimutan ko! Wag kang mag-alala tatawagin na muna kita bago ko ilaglag sayo. Alerto ka naman kaya hindi nako dapat pang mag-alala na malalaglagan ka haha"

Sira talaga. Paano nalang kung malaglagan ako ng bunga na ibabato biya edi nagkabukol pako ng wala sa oras.

Inayos ko nalang ang pagkakasalansan ng mga napitas naming bunga sa malaking basket na kami pa mismo ang gumawa kaya masasabi kong matibay ang mga ito.

"Babe last!" Sinalo kong muli ang inilaglag niyang bunga ngunit ngayon ay tinawag niya muna ako bago ito ilaglag.

Mabuti naman at naintindihan niya ang sinabi ko.

"Babe ako naman saluhin mo haha!"

"Baliw! Ang bigat bigat mo kaya paano kita masasalo mas mabuti pa ay bumaba kana diyan kung wala narin namang bungang kailangang pitasin!"

"Okay boss!"

Inilagay ko na ang panghuling bunga na sinalo ko at itinabi ito kasama ng iba pang basket na napuno narin namin.

Experto sa pag-akyat ng puno si divina. Mga bata palamang kami ay mahilig na siya sa paakyat akyat sa mga puno kaya siya na ang inaasahan ko kapag ganitong anihan.

"Ayos ba babe?^_^" tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad.

Ngayon ay pupunta naman kami sa mga tanim naming gulay mas madali ito para samin kaya lang ang kalaban namin ay sikat ng araw.

Sa sobrang init na nga ng panahon ngayon ay kahit nakapayong ka o may suot kang panangga sa sikat ng araw ay mararamdaman mo parin ang pagtagos nito sayong mga balat.

"Ikaw don sa mga talong ako na rito sa mga sili"

"*pout* ano ba naman yan babe ang akala ko pa naman nakakapagpahinga na tayo"

"Wag ka ngang magreklamo diyan. Magpapahinga tayo kapag tapos na ang mga gawain dito. Wag kang masyadong tamad kung ayaw mong isumbong kita kay tito"

"Lah sabi ko nga doon nako eh,ingat ka dito ha tawagin molang ako kapag nagkaproblema" tumango nalamang ako.

Alam niyaring mahina ang puso ko kaya todo din siya kung makabantay at alalay sakin. Kaya nga siya ang mas madalas kong makasama dahil ayaw na ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya.

Mabait na kaibigan si divina kaya noon paman ay close na kami sa isat isa at lalu kaming naging malapit sa bawat isa ng magdalaga na kami este mag binata pala para sakin.

Sinimulan ko na ang pangunguha ng mga siling pula at inilagay ito sa lalagyanan.

Ilang minuto palang akong nandito ay ramdam na ramdam kona ang pag-agos ng pawis ko sa buo kong katawan.

Grabe ang init talaga.

"Babe okay kalang diyan?!"

"Oo!" Balik na sigaw ko.

Ginawa niya naman akong bata pssh.

"So kamusta naman ang pag-aani ng mga siling kasing tapang mo?" Taas kilay na bungad ni seniorita.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now