Kabanata 11

5.5K 221 15
                                    

Clay

Nagulat talaga ako ng pumayag si Ms,Arogante/Toro/Taray na sumama saming magkakaibigan.

Hindi ko lang talaga inaasahan ang mga sinasabi niya.

Gusto niya daw kasing maging kaibigan ang mga kaibigan ko.

Nakaramdam lang ako ng lungkot dahil sakanila gusto niyang makipag kaibigan habang sakin hindi psh.

"Dito tayo seniorita" hila sakanya ni clarissa papunta sa mga nagtitinda ng mga makakain.

"Mabait naman pala si seniorita babe no" kapit sakin ni didi.

"Tss.anong mabait don?hindi niyo pa siya nakikilala kaya wag muna kayong magsalita ng tapos"

"Lah, bakit parang ayaw mo yata kay seniorita"

"Dahil ayaw ko talaga sakanya. Siya ang panira sa buhay ko kaya never ko siyang magugustuhan"

"Uyy aminin mo nga gusto mo si seniorita no"

"Ano!" Nakuha naman namin ang atensyon ng dalawa na nakatingin na pala samin.

Problem niyo.

"Babe naman kailangan talagang sumigaw?" Inirapan ko ito.

"Pwde didi wag kang mag salita ng bad words alam mo naman na hindi mangyayari yang sinasabi mo dahil ayoko sa kanya period" mariin kong sabi.

"Oh easy lang babe haha..sige na ayaw mo na kay seniorita pero mag ingat kalang dahil ang sabi nila the more you hate the more you love"

"Tss..kalokohan mo. Halika na nga" hinila ko na siya papunta sa mamihan at umupo sa katapat nina clarissa na ngayon ay close na close na.

Napapataas nalang ang kilay ko dahil nagkakatuwaan silang dalawa

"Wag kang mag selos sayo parin naman siya" kinunutan ko naman ito ng noo sa binulong niya.

Sino ba ang sinasabi niyang sakin?

"Haha ayan na pala yung mami natin!" Energetic nitong sabi at nauna ng kumain saming tatlo.

"Mag hinay hinay ka kasi" sermon ko rito ng mapaso ang dila niya.

Napa pout siya "gutom na kasi ako babe eh"

"Tss" inabutan ko nalang siya ng tubig na agad niya rin namang kinuha.

Napansin kong may mga matang nakatingin sakin kaya hinanap ko ang mga matang yon at nakita ko ang dalawang pares ng mata na nasa harapan lang namin na masama kung makatingin.

Anong problema niyo? Gusto ko sanang tanungin yan sakanila pero minabuti ko nalang na kumain.

Sabagay ganon naman pala talaga kung makatingin si seniorita sakin kaya hindi nako magtataka pa pero si clarissa ewan ko kung bakit ganon nalang siya kung makatingin sakin.

"*brupp* excuse me" nahihiyang hayag ni didi. Nakakapit parin siya sa braso ko na parang tuko habang nauuna naman samin ang dalawa.

Nakatingin lang ako sakanila habang walang humpay sila kung mag kwentuhan.

"Andiyan ka nanaman pasulyap sulyap sakin
Lagi lagi nalang paligaw ligaw tingin
Ba't dimo subukang aminin dimo alam ako'y may pagtingin din~"

Sinamaan ko naman ang katabi ko ng tingin sa biglaan niyang pagkanta, napa peace sign ito sakin.

"Akala ko ba never mo siyang magugustuhan" panunuksa niyo.

"Sinabi kobang may gusto ako sakanya? Nakatingin lang ako sakanila dahil nagtataka ako kung bakit sobrang close na nila sa isat isa" halos kanina lang sila nagkakilala tapos ganyan na kung makakapit sa isat isa.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now