Kabanata 17

5.2K 186 5
                                    

Bash

"Alam mo bashang sa totoo lang mukha na tayong mga timang sa ginagawa natin"

"Monique kung magrereklamo ka nanaman diyan mas mabuti pang tumahimik ka nalang dahil palapit na sila"

Naka disguise kami ngayon sa harapan ng isang tindahan dito sa gilid ng kalsad.

Halos kanina pa namin hihintay na lumabas ng school si negra kasama ang maingay niyang babae.

Ngayon namin gagawin ang pag iespisaya sakanya at papatunayan ko na ginagayuma at kinukulam talaga ako ng babaeng yon kaya pati sa pagtulog ay napapanaginipan ko siya.

Surang sura na nga akong kaharap siya tuwing umaga pati ba naman sa pagtulog ko nandon siya.

"Ayan na umayos ka"

Bahagya ko namang inayos ang cap ko at shades sabay sipsip sa straw ng softdrinks na nabili namin.

"Pabili nga pong isang softdrinks babe anong sayo?"

"Kahit ano nalang divina"

"Okay. Ate dalawang softdrinks na"

"18 lahat"

Ibinigay na niya ang bayad niya sa tindera at iniabot naman ang softdrinks ni negra.

"Ang hirap ng test kanina babe nakuha mo ba lahat?" Tumango ito.

"Easy lang naman ang test divina kung nag-aral ka talaga"

"Sus! Nag-aral naman ako kaya lang diko talaga makuha ang ibang solving problems sana all matalino kagaya mo"napailing ito.

"Magaling naman lahat ng tao divina hindi ngalang tayo pare-pareho ang iba magaling sa academics ang iba sa music o physical activity kaya magaling ka para sakin"

"Awe ang sweeeeet mo talaga babe payakap nga!"

umikot naman ang mata ko sa nakikita ko.

Kailangan talaga sa harapan ng ibang tao mag landian.

Tss.hindi manlang nila naisip na may ibang nakakakita sakanila.

"Ano bayan divina lumayo layo ka nga at ang init"

"*pout* ang bad mo talaga sakin pero pagdating kay riss nagpapayakap ka hmp!"

So mas clingy pala si clarissa sakanya huh.

"Hindi ako nagpapayakap kay clarissa sadyang kailangan niya lang ng yakap kaya ko siya binigyan"

Tss.tanggi pa.

"Sus ang sabihin mo mas gusto mo siya kesa sakin"

Isip bata naman ng isang to.

"Pareho kayong mahalaga sa buhay ko divina at pareho ko kayong kaibigan kaya pantay lang ang pagmamahal ko sainyong dalawa bilang mga tunay kong kaibigan kaya kung ano man yang iniisip mo tigil tigilan muna dahil hindi naman yan nakakatulog satin"

"Oo na nga pssh. Tara na uwi na tayo"

Hinila na niya ito palayo sa kinauupuan namin at tuluyan ng nawala.

"Ganon ba ang sinasabi mong kayang gumayuma bashang? Kung sakanya lang din naman pala ako magpapagayuma tatanggapin ko na"

*poinks*

"Aray! Makabatok te"

"Puro kasi kalokohan ang nasa isip mo monique serious matter ito dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko sakanya"

"Ano bang nararamdaman mo aber?" Pagiintriga niya.

Ano nga ba?.

"Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae lalu na yung babaeng haliparot nayon. Mas napapadalas narin ang pagdalaw niya sa panaginip ko at higit sa lahat hindi ko na maramdaman ang nararamdaman ko noon kay troy tuwing magkausap kami"

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now