Kabanata 5

6K 246 29
                                    

Bash

Ugh! Inis kong pinagpagan ang sarili ko ng maitapon ko na ang bulateng itinapon ng biwsit nato sa ulo ko.

Nahirapan akong makarating sa burol nato gamit ang kotse ko dahil iniwan niya ako kaya naisip ko na lokohin siya.

Hindi ko naman inaakala na gaganti pala ang gaga at ibinato sakin ang bulate.

I hate worms and other animals na marurumi feeling ko kasi mahahawa ako ng karumihan nila.

Conservative ako pagdating sa katawan kaya hindi ko hinahayaan na madumi akong haharap sa iba.

Pero hindi parin ako tapos sa babaeng to ng dahil sa ginawa niya.

How dare is she na gawin ang mga bagay nayon sakin.

Una pinagsalitaan niya ako ng kung ano ano, iniwan niya rin ako kanina at ngayon naman ay binato niya ako ng bulate.

Kaya humanda siya dahil lintik lang ang walang ganti.

"Picture kana seniorita at ng makaalis na tayo" inirapan ko lang siya at inilabas ang phone ko.

Isesend ko pato kay monique kaya kailangan ko talagang kumuha.

Nagselfie narin ako dahil sayang ang view ngayon lang ako nakarating dito sa tinagal tagal ng panahon kaya susulitin ko na.

"Hindi kapaba tapos seniorita?" May pagkainip nitong tanong sakin.

"Hindi pa bakit angal ka?" Matapang kong sabi.

"Hindi, may sinabi bako?" Inirapan ko siyang muli at tinagalan ang pagkuha ko ng litrato.

Bahala siyang mabagot diyan. Wala akong paki-alam sakanya.

Lumipas ang ilang oras ay hindi parin ako tapos sa kakaselfie napapanaw nalang ako sa kasama ko na puro hikap na ngayon.

"Pwdeng wag kang humikab diyan nakakahawa yang paghikab mo eh" pagtataray ko rito pero hindi niya naman ako pinansin.

Abat bwisit nato anong karapatan niyang snobin ang kagandahan ko?.

"Kanina pa diyan, hindi ka parin ba tapos hanggang ngayon? Kanina pako inaantok kaya kung pwde sana eh mauuna nako"

Walanghiyang to may plano nanaman akong iwan.

"Subukan mo isusumbong kita kay lolo" banta ko rito.

"Ano ka bata?"

"Oo, angal ka?" Paghahamon ko rito napailing nalang ito at bumalik na sa pagkakaupo niya.

Ayan, marunong ka naman palang matakot eh tss.

"Hayyy! Gisingin mo nalang ako kapag tapos kana diyan ha"

"Okay" tanging sagot ko ngunit sa loob loob ko ay hindi ko talaga siya gigisingin dahil iiwan ko na siya dito mag-isa.

Dahan dahan kong kinuha ang bike na nakaparada sa may gilid ng puno at sinakyan ito.

Mabuti nalang at marunong akong mag bike kundi baka natumba pako sa pakana kong to.

Nakarating ako sa kotse ko at isinakay ko na dito ang bike.

Tignan lang natin kung makauwi kapa sa bahay niyo haha.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ngunit nakalimutan ko na bako bako nga pala dito kaya biglang naflat ang gulong ko.

Bumaba ako ng kotse para icheck ito ngunit flat talaga.

"Ugh!!malasss!"

Kinuha ko ang bike na nasa likod ng kotse at sinakyan ito.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now