Chapter 46

18 3 0
                                    

October 21, 2017 at 4:30 PM

Angelo

: Hi babe. Alam mo bang ang tapang kong pumasok. Kahit namumugto ang mata ko sa kaiiyak ay pumasok pa rin ako. Dinumog ako ng mga tawanan ng mga ugok kong kaibigan, pero nakitawa na lang ako.

: Kahit masakit na masakit na wala ka na talaga, nakitawa na lang ako kasi nagbabasakali akong mabura ang sakit at matanggap ko na, pero alam mo…

: Sa kalagitnaan ng pagtawa ko muli akong naiyak nang maalala ka.

: Akala nila tears of joy gaya ng sabi ko, pero hindi. Sabi mo hindi dapat ako iiyak, pero bakla nga yata ang Angelo mo, e. Iyak nang iyak.

: Payakap naman, oh. Miss na miss na kita.

: Magparamdam ka naman sa akin.

My Angela (CHAT SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon