Chapter 15

83 6 0
                                    

July 22, 2017
11:50 P.M.

Angela

: Babe! Gising ka pa ba?

Angelo

: Gising pa kasi gising ka pa

Angela

: Gusto kong magpaalam bukas

Angelo

: Magpaalam?

Angela

: Hindi kasi ako makakapag-online bukas at alam kong monthsary natin, kaya babatiin kita nang maaga. Happy monthsary, babe! Stay strong sa atin!

Angelo

: Happy monthsary, too, babe.

: Puwede ko bang makuha ang address ng bahay ninyo? May ipapadala lang sana ako.

: Surprise sana, kaso, hindi nagre-reply sa mga text ko si mama at lahat ng tawag ko sa kaniya ay binababaan niya ako.

: Hindi ko tuloy alam kung ano ang mali sa akin. Wala naman akong ginawa, ‘di ba?

: Bakit ang cold ni mama sa akin?

: May iba ka na ba kaya ayaw na niya sa akin? | Deleted

: Hindi na ba ako guwapo sa kaniyang paningin | Deleted

: O baka tutol na si mama sa relasyon nating dalawa kasi magkalayo tayo at baka masaktan ka lang, kaya sinabi niya sa ‘yong iwasan mo ako? | Deleted

: Gusto kong i-send ulit lahat ng binura kong chat, pero ayaw kong mag-away tayo at baka mali lang lahat ng mga hinala ko sa ‘yo. | Deleted

: Ang hirap pala magtiwala sa taong mahal mo kapag magkalayo kayo. Nakakabaliw sa kaiisip kung sino-sino ang mga kasama niya, kung may nagkakagusto ba sa kaniya o kung ano ang iniisip niya sa ‘yo. Tama ba mga sinabi ko, babe? | Deleted

Angela

: Hindi naman kaya!

: Hindi lang alam gamitin ni mama iyong smartphone niya. Mas sanay kasi siya sa keypad niyang cellphone na nasira lang nitong nakaraang buwan, kaya binilhan siya ni papa ng bagong phone.

: At saka may sasabihin ako sa iyo kapag hindi na ako busy.

: Pasensya na babe kung nagiging madalas na ang pagiging busy ko. Huwag ka sanang mapagod intindihin ako at sinisigurado ko naman sa iyong wala akong iba dahil ikaw lang sapat na.

: Nagkaayos na rin sila mama at papa. Masaya sa pakiramdam na makita silang okay ulit, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan dahil baka mag-away na naman sila.

: Thank you for the love, babe. Happy monthsary! I love you so much!

: Offline ako. Matulog ka na rin.

Angelo

: I feel the same.

: Oh, sige. Ingat
ka palagi.

My Angela (CHAT SERIES #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum